Chapter 7: Eye Contact

29 1 0
                                    

Kali's POV:

That girl. That godforsaken girl. Hindi ko alam kung anong nakain niya kaninang umaga at ganon yung attitude niya ngayong araw. Tumakas ba naman siya kasama yung matangkad na babae? Handa talaga sila mamaya sa councillor. Pero siyempre, hindi ko naman sila isusumbong, hahayaan ko nalang karma na atakihin silang pareho. 

Nakahilata ako ngayon sa kama habang nagbabasa ng libro. Yung naging partner ko naman ay mahimbing na natututlog sa baba, pinili ko pala yung taas dahil malamig at hindi dahil para makita ko kung paano matulog yung demonyong babaeng iyon. Gisingin ba naman ako gamit ang tubig?

Hindi ko nalang pinansin yung mga boses na nagsasalita sa loob ng utak ko at nag-focus sa librong binabasa ko.

"Her Name In the Sky? Sad ending yan."

Sinarado ko yung libro at tiningnan sa mata yung nangistorbo sa akin. Nagtaka naman ako nang makita yung ka-partner ko na akala kong natutulog ngayon.

"Akala ko natutulog ka?"

Naguguluhan siyang napatingin sa akin. "Ha? Kanina pa ako gising. Masyado ka kasing seryoso sa binabasa mo."

Akala ko lalayuan na niya ako pero nagtangka pa siyang isandal yung likod niya sa hagdan ng kama. Napaikot nalang tuloy ako ng mga mata bago ulit ako bumalik sa pagbabasa ng libro. Hindi naman totoo yung sinasabi niyang sad ending daw yung libro dahil limang beses ko na ito nabasaat malayo siya sa sad ending.

"Bakit walang tao roon?"

Sinilip ko yung tinuturo niya at namalayan na tinutukoy niya pala yung kama ng babaeng gumising sa akin kanina na hindi ko pa rin kilala. Wait, sino nga ba iyon at paano siya nakapasok sa loob ng kotse?

"Don't care." 

"Whatever. I'm Alice at kung kailangan mo ng kahit ano gisingin mo nalang ako ha?"

Tumango nalang ako habang nasa libro pa rin ang mga mata ko. Bakit nga ba ako pumayag na pumunta rito? Ay, oo nga pala, gusto ni mom na makahanap na ako ng kaibigan dahil college student na raw ako.

Seriously though, who needs friends when I got myself?

Nawalan na ako ng gana na magbasa pa ulit kaya isinarado ko nalang yung libro at humilata sa kama. Napatingin ako sa kisame ng kwarto habang ang utak ko ay napunta sa kung ano-anong lugar.

Malapit na magsarado ang mga mata ko nang biglang bumukas nang malakas yung pintuan ng kwarto at iniluwa yung dalawang babae na tumakas. Yung mga tawa nila ay napakalakas kaya nagtataka ako kung bakit hindi pa rin sila napapansin ng councillor.

Nakita ko rin na medyo basa yung buhok at damit nila. Saan naman kaya nagpunta itong dalawa? As if naman na may pake ako.

"Anong palit? Akala ko ayaw mo sa taas kasi malamig?"

"Hay nako, tabi na nga lang tayo."

Napaikot ako ng mga mata sa boses nila. Akala ba nila nasa mall sila? Rinig na rinig namin sila rito.

"Hoy! May natutulog! Shut up muna!"

"Kaya nga!"

See? Buti pa sila alam kung kailang magiingay. Napatingin ako sa dalawang babae at nahuli kong nakatingin na pala sa akin yung babaeng gumising sa akin kanina. Tinaasan ko siya ng kilay kagaya ng ginawa niya kanina, siya naman ay nabigla at napataas din ng kilay.

Who the hell is this girl?

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon