Chapter 10: Nevermind

21 1 0
                                    

"Kali?" 

Natagpuan ko siyang nakaupo sa tuktok ng malaking bato kaya hindi na ako nagdalawang-isip na lapitan siya.

"Look, gaya ng sinabi ko kanina, I am very sorry. Aaminin ko, may kasalanan ka rin-"

"I can't believe I am hearing this right now." Pangsisingit niya sa sasabihin ko.

"At may kasalanan din ako, sorry kung hindi ako prepared na saluhin ka." 

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa hindi ko na kinaya ang tunog ng tubig. Humarap ako sa kaniya at seryosong nagsimula ng usapan para matapos na itong kung anong mayroon sa aming dalawa.

"I'm Adri, kaibigan ni mama si Tita Marge, nakisabay ako sa kotse niya papunta rito at sinubukan pa ni Kyle na ipakilala ka sa akin pero ayaw mo magpaistorbo ng tulog, what else...oh! Kaya kita binuhusan ng tubig kanina kasi ilang paraan na yung ginawa ko para lang magising ka pero ayaw mo talaga gumising eh. So...okay na ba tayo? I mean, tatlong araw natin makikita ang bawat isa, hindi ba makakasira lang ng mood kapag may tampo tayo araw-araw?"

Huminga ako nang malalim pagkatapos ko sabihin ang speech ko, sana naman ay nabigyang linaw na si Kali na hindi ko na kayang makipaglaro sa kaniya dahil gusto ko lang maging payapa ang mga susunod na araw ko rito sa camp.

Wala pa rin siyang imik. Halos maubusan na ako ng hinga para lang masabi sa kaniya yung mga saloobin ko tapos ito lang ang matatanggap ko? Siguro ayaw niya talagang makipagayusan at mukhang sinayang ko lang ang oras ko para puntahan siya rito.

"Sige, balik na muna ako roon." Sinabi ko sa hangin.

Walang gana akong tumalikod at naglakad palayo sa kaniya nang marinig ko na biglang may nahulog sa tubig. Agad ako tumakbo pabalik para hanapin si Kali kaso wala na siya roon sa tuktok ng bato na inuupuan niya.

"Kali?!" Napatingin ako sa tubig at napansin ko na may bula sa ibabaw ng tubig.

Dali-dali kong hinubad ang t-shirt at shorts ko bago lumusong sa tubig. Pagkasisid ko ay agad kong natagpuan si Kali na nakapikit ang mga mata. Kinabahan ako nang todo pero inuna ko munang itaas siya dahil baka hindi na siya makahinga, may kalaliman pa naman yung tubig.

"Kali?! Okay, ka lang ba?!" 

Napamura ako nang wala akong natanggap na sagot mula sa kaniya, kaya mabilisan kong inakbay ang braso ko sa kaniya para dalhin siya pabalik sa lupa. 

Nang madala ko siya sa lupa ay dahan-dahan ko siyang inihiga para matingnan ko kung may pulso pa siya. Idinikit ko ang mga daliri ko sa gilid ng leeg niya at napakalma ako nang may naramdaman akong pulso, pero mahina pala at mabagal.

Napabuntong-hininga ako bago ko gawin ang dapat kong gawin para magising siya. May experience na rin ako sa ganitong paraan dahil sa training na sinalihan namin ni Zoe, kaya naman walang duda kong isinarado ang bibig niya gamit ang bibig ko para pasahan siya ng hangin, pagkatapos ay nilagyan ko ng pressure ang dibdib niya.

"Kali?" 

Ilalapit ko na sana ang mukha ko sa kaniya nang bigla siyang bumuga ng tubig. Napahinto ako sa paggalaw dahil diretsong napunta sa mukha ko yung tubig, ipinunas ko nalang gamit ang likod ng kamay ko at binigyan ng attensiyon si Kali.

"Okay ka na ba? I am so sorry, kung hindi sana kita iniwan-"

"I-I'm fine. Nilalamig lang." For the first time ay ngumiti siya. Pero dahil nilalamig daw siya ay hindi ko muna inintindi yung pang-aasar na sasabihin ko sana sa kaniya. Kinuha ko yung damit ko na tuyo at ibinalot sa buong katawan niya, buti nalang at oversized t-shirt yung sinuot ko.

"Doon muna tayo." Inalalayan ko siya tumayo para puntahan yung nakita kong lugar na may sikat ng araw.

Pinaupo ko muna siya bago ako tumabi sa kaniya. Nag-aalala akong napatingin sa kaniya pero hindi ko makuhang magtanong kung paano o bakit siya nahulog.

"Thank you...but none of it was your fault, nadulas lang ako." Malumbay niyang sinabi pero alam ko na may iba pa siyang rason.

"Akala ko nga hindi ka na magigising and I think that was my most nervous moment." 

Isang matamis na ngiti ang nagpakita sa mukha ni Kali. 

"Ngumingiti ka pala?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Kali kaya napabawi ako kaagad sa sinabi ko.

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon