Chapter 4: Bad Morning

39 2 0
                                    

Parang ang bilis ng mga pangyayari ngayon araw.

Kanina lang ay binalitaan ako ni Zoe tungkol sa kasal ng ate niya next week, nabagsak ko yung laptop ko, may schedule si papa na two weeks work trip, na-assign si mama as dean ng college na papasukan ko, at higit sa lahat...ngayong araw din ang boot camp.

 "I'm really sorry, hun, but I need to go meet the board sa university. Just wait for the black sedan na susundo sa iyo, okay?" Mabilisan na sinabi ni mama habang inaasikaso niya yung mga papeles sa loob ng bag niya.

Nasa labas na kami ngayon ng bahay at mukhang matatagalan daw yung sundo ko kaya muuna na siyang umalis. Binigyan ako ni mama ng halik sa noo bago siya sumakay sa kotse at pinaandar nang mabilis.

Inaantok akong napaupo sa damo at ginawang sandalan yung maleta na katabi ko. Yep, maleta, dahil hindi lang pala isang araw ang boot camp kundi tatlo. Marami rin akong dinalang libro dahil parang doon lang ako makikitulog, makikliigo, at makikitulog.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ikakasal na ang ate ni Zoe. Napabuntong-hininga nalang ako at mas isinandal pa ang likod sa maleta na kaunti nalang ay nakahiga na ako sa sahig.

Isang malakas na busina ang gumising sa diwa ko kaya napatayo agad ako at pinagpag yung likuran ko. Sinilip ko yung bintana at nakitang may kumakaway sa loob, ito na yata yung sundo ko kaya binuksan ko yung compartment ng kotse para ilagay yung maleta ko.

Pumasok din agad ako sa loob ng kotse dahil malapit na kami ma-late. Tila ako naglakad ng marathon nang makaupo ako sa upuan ng kotse, mukhang kailangan ko na yatang sundin yung workout routine ni Zoe tuwing umaga.

"Adri! Sorry ulit ha. Ito kasing mga anak ko eh..." Pandidiin ng kaibigan ni mama sa katabi niya at sa dalawang katabi ko.

Anak? Hindi nasabi sa akin ni mama na kasama ko pala papunta yung mga anak ng kaibigan niya.

"Ay, okay lang po." Mabait kong sinabi habang hinihingal pa rin nang kaunti.

"Just call me Marge."

Tumango ako at ibinalik ang tingin sa labas ng kotse. Maya-maya pa ay nakakramdam ako ng mga mata na nakatitig sa akin kaya hinarap ko yung katabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay at agad na nagbago yung mukha niya.

"Jeez, just trying to be friendly. Ako nga pala si Kyle, that's Klyde, at itong tulog na katabi ko ay si Kali." 

Binigyan ko ng tiningin yung Klyde na nakatingin na rin pala sa akin mula sa salamin. Yung isa naman na binanggit niya ay hindi ko medyo makita dahil natutulog nga raw. At least hindi sila katulad ng mga napakilala sa akin ni mama, except nga lang sa kung gaano sila magkamukha na medyo nagiging creepy.

"Ah, kambal nga pala kami." Sinabi ni Kyle na para bang nabasa niya yung utak ko.

Napatango nalang ako.

"Huy, don't you want to meet someone?" Narinig kong bulong ni Kyle sa katabi niya.

"No..time, just want to...sleep."

Muntik na ako matawa sa naging tono ng boses niya. Tinakpan ko nalang ang bibig ko at tumingin ulit sa labas ng kotse.

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon