Chapter 12: Book Fiend

17 0 0
                                    

Adri's POV:

Maayos na ang lahat. Hindi na kami nagpapalitan ng sama ng loob ni Kali, hindi na siya mataray, ngumingiti at kinakausap niya na rin ako nang matino! Si Perry naman? Ayon, nakikipaglandian sa naging partner niya na ka-bunkmate na niya ngayon.

Mamayang gabi raw ay magkakaroon ng social gathering at narinig ko sa iba na ayon na raw yung part na kung saan dapat kakausapin na namin lahat ang bawat isa. Kung kailan talaga na komportable na ako kay Kali ay biglang buong tao naman rito yung dapat kong kausapin? No thanks.

"Girl, malalim na naman iniisip mo."

Napatingin ako sa taong nakasandal sa kama namin ni Kali. Ano naman ang ginagawa ni Perry dito?

"Asan na yung kalandian mo?"

Napailing si Perry at bakas sa mukha niya ang pagkabigo. "Wala na, nalaman ko na kasama niya yung boyfriend niya na nasa kabilang kwarto. Eh inimbitahan ba naman ako na pumunta raw doon mamayang gabi kasama silang dalawa? Hell no."

Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. 

"Ganyan din yung reaksyon ko, kaya nagpa-request ako sa councillor na palitan yung bunkmate ko, buti nalang pumayag siya."

Nakatingin lang ako kay Perry habang napunta naman ang mga mata niya sa taas ko kung saan doon nakahiga si Kali.

"Oh...I see... Iwan ko muna kayo, kakausapin ko lang si madam councillor para magpasalamat." Masiglang kinaway ni Perry yung kamay niya bago niya ako bigyan ng kindat.

"What's up with her?" Tanong ng nasa taas.

"Typical Perry. Anyway, gusto mo bang magpalit tayo ng libro? Mukhang maganda itong binabasa mo eh."

Hawak ko pa rin yung librong binato niya sa akin kanina at nagandahan ako sa plot.

"Ano naman yung ipampapalit mo?"

Kinuha ko yung libro na kanina pa nakahiga sa tabi ko at inabot sa kaniya.

"Interesting...sige sa'yo na muna 'yan."

Napangiti ako at sinimulan basahin yung libro ni Kali. Gaya niya, ilang beses ko na rin nabasa yung librong pinahiram ko sa kaniya. Halata rin na nakailan na siyang balik sa librong ito dahil sa mga sulat na nasa tabi ng mga talata.

Binigyan ko ng atensiyon yung nakasulat sa tabi ng isang talata na may pink na tinta.

"Lord, when?"

Napatakip ako ng bibig dahil sa tawa na lumabas sa bibig ko. Oh my...she did not.

Sakto rin yung sinabi niya kasi yung talata ay tungkol sa pag-describe ng main character sa kabigan niyang halata namang gusto niya. Marami pang nakasulat na mga salita galing kay Kali kaya nakaramdam ako ng enerhiya para basahin pa yung mga natitirang pahina.

"Enjoying the book?"

"Yup, sobra." Napatingin ako sa taas kahit na hindi niya ako nakikita.

Clover Street: Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon