CHAPTER 3

20 3 10
                                    

ELIANA

NECKLACE

Nasabi ni Lucas na ngayon niya agad ako ipapasyal. Hindi ko alam kung tama ba ang tinatahak ko, at sa isang lalaki pa ako mapapadpad. I was about to go outside of this mansion when suddenly he grabbed my arm and spoke.

“Eliana pala ang pangalan mo?” Nakita kong sumilay ang kanyang ngiti.

"Oo, bakit ngiting-ngiti ka diyan?" Nakangusong ani ko.

"Well, your name is not boring, you know. Bagay sa ‘yo." Pang-iinis niya. Naalala ko ang sinabi ko na ang boring ng pangalan niya. Paano naman kasi, ang common talaga.

“Tsk...” Pinandilatan ko na lamang siya.

"I'll call you 'Eliana'." Mahinahong sabi niya.

"Hala! Close tayo?" Nakaiinsultong tanong ko. Umigting ang kanyang panga matapos kong sabihin iyon.

Kadalasan sa mga kakilala ko ay El at Eliana ang tawag sa akin. Anatola is quiet unique, but I don’t like it.

Sa isang iglap lang ay hindi ko inaasahan ang kanyang gagawin. He quickly grabbed my waist. My face flushes as I regain conciousness and to my surprise, I can feel his skin starts heating up because I feel him looking at me.
"Yes. Wanna be more close to me?" He said in seductive tone of his voice until a dangerous smirk appear in his face. I want to pinch my skin to see if it is true.

"L-Lucas, sabi mo aalis tayo. T-Tara na?" Lumunok ako ng laway. Ang sabi niya kasi ay pupunta kami sa isang sikat na mall dito. Nagwawala ang aking isip sa ngayon. Mabuti nalang ay dahan-dahan niya akong binitawan. Umiwas ako ng tingin dahil kung hindi ay baka matunaw na ako sa mga titig niya.

"Oh, I'm sorry. Let's go." Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan niya nang inilayo ang kanyang sarili.

"Tell me about yourself." Hindi pa umiinit ang pwet ko sa upuan ng kotse niya ay iyon agad ang tanong na sumalubong sa akin.


"Pwede ba, uupo muna ako nang maayos. Noong nasa yate tayo, ang sabi mo introduce myself tapos ngayon tell me about myself? Ang totoo, teacher ka ba? Well, hello, Sir!" Pabagsak kong inilagay sa harap ko ang aking sling bag. Naramdaman ko namang tumingin siya sa akin habang ni-re-ready ang sasakyan.

"Puro ka naman reklamo. Gusto lang kita makilala nang lubusan. Total, tinulungan mo ako." Nasa harap ang kanyang tingin. Tuluyan nang umandar ang kotse.

"Well, wala namang thrill ang buhay ko pati na rin ang pagkatao ko." Nakatingin ako sa sign sa labas.

Grabe, nakasakay na kami sa kotse pero kalalabas palang namin sa gate ng mansion? Parang pinapamukha talaga ng lalaking 'to kung gaano sila kayaman.

Nalagpasan na rin namin iyong taniman ng mga ubas. May mga nadaanan din kaming mga tao, bakas sa mga kilos nila trabahador ang mga iyon ng mga Sandoval.


"Edi bigyan natin ng thrill kahit ngayon lang." Nakakatuksong aniya.

"What do you mean?" Tanong ko habang nakatingin sa daan.


"Let me show you up, later." Pakasabi niya no'n ay biglang bumilis ang takbo ng sasakyan. Agad akong nalula saka naisipang matulog muna.


“Malayo pa ba tayo?” I asked while rubbing my eyes. Nakatulog ako sa byahe at hindi man lang ako ginising ni Lucas.


“We‘re here.” He parked the car in the parking lot. He immediately went outside to open the door for me.

“Gentleman ka rin pala, ano?” Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Whispers of the Sun (Weather Series One)Where stories live. Discover now