Isabelle point of view.
Iminulat ko ang aking mga mata at ang gawa sa yerong bubong namin ang unang bumungad sa'kin.
napabuntong hininga ako.
Another day, Another worst people to meet, isabelle. Goodluck ani ko sa aking isip kasabay nang aking pagbangon mula sa papag namin.
Lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko ang bunso kong kapatid一Si Isra na kumakain ng pandesal at kape. Naka uniporme na ito at halata ang pagmamadali.
"Magandang umaga, bunso." sabi ko sabay halik sakaniyang noo.
"Good morning din ate!" tugon niya.
Umupo na ko sa aming upuan na gawa lang sa kahoy at sinaluhan siya sa pagkain.
naalala ko pang hindi pa pala ako nagtotoothbrush o naghihilamos pero ipinagkibit balikat ko na lamang ito-- alam ko kasing kahit anong hilamos ko ay hindi na mababago ang mukha ko.
pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa'king kwarto upang kumuha ng susuotin. Asyuswal, puting damit at itim na pantalon ang kinuha ko.
Magkakapareha ang bibili kong mga damit pangtrabaho. Ewan ko ba, basta pakiramdam ko ay mas maganda kung pare-pareha ang suot mo para hindi kana mag isip ng susuotin mo kada alis.
"Ate pasok na ko!" rinig kong sigaw ni bunso.
"sige mag iingat ka!" sigaw ko rin.
Okay lang kahit lakasan pa namin ang aming boses dahil wala kaming kasama sa bahay maliban nalang sa aming dalawa.
Si mama kasi ay pumuntang ibang bansa upang doon kumayod habang si papa naman ay may iba nang pamilya.
natigilan ako sa naisip munit agad ring kumilos.
Tanggap kong naghiwalay na ang mama't papa ko, Alam ko naman kasing nahihirapan silang dalawa na makasama ang isa't isa kaya nung napagdesisyunan nilang maghiwalay-- ay pumayag na rin ako.
mas mabuti na rin iyon kaysa araw araw silang magbangayan sa aming tahanan.
Walang nagloko sakanilang dawala-- sadyang hindi lang siguro sila para sa isa't isa. Tsaka ang ani nga sa lirikong narinig ko. "Huwag isiksik ang sarili sa taong hindi ikaw ang gusto, dahil mas malalim ang sugat na iyong natatamo."
Ayos lang naman rin sa bunso kong kapatid. At tanggap rin namin ang anak sa pangalawang asawa ni papa, iyon nga lang.. Hindi namin sila matawag na kapatid.
pagkatapos kong maligo ay napasulyap ako sa aming salamin.
Napabuntong hininga ako at pinilit ang sariling ngumiti.
"Kaya mo 'to, Isabelle. Para kay bunso, Para kay mama. Kakayanin mo 'to" pagpapalakas ko sa aking sarili bago tuluyang lumabas sa aming bahay.
Pagkalabas na pagkalabas ko palang ay marami na agad ang tumingin sa'kin-- alam kong hindi sila tumingin sa'kin dahil nagagandahan sila sa'kin bagkos alam kong tumingin lang sila sa'kin dahil nakakatawa ang istura ko.
"Hanep ang buhok isabelle ha? Pwede nang pampugad ng ibon haha" pang aasar ni jeffree na agad namang sinang ayunan ng mga tropa niya.
"Oo nga haha pero pwede ring Christmas tree.. Kulang lang ng star sa pinakatuktok hahaha" ani naman ni jay.
"Hoy grabe naman kayo kay isabelle." agad sumingit si reiner at umakbay pa sa'kin. Ngingiti na sana ako sakanya pero biglang nawala iyon nung marinig ko ang dinagdag nya! "Tigilan nyo sya, tignan nyo oh. Onti nalang puputok ang mga pimples nya haha!" nagsitawanan ang mga tropa nila.