PARANG pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa itsura ko ngayon.Hindi ko pa rin kasi maalis sa isip ko ang lungkot na naramdaman ko kahapon e. Pero sinikap ko namang hindi ipahalatang may dinadamdam ako ngayon.
"Anong problema?" naiangat ko ang paningin ko kay Lucas na nasa harapan ko ngayon.
Ngumiti lang ako ng pilit sakaniya 'tsaka tinuloy lang ang trabaho.
Pilit ko mang iwinawaksi ang mga gumugulo sa isip ko ay hindi ko magawa. Hindi ko kinakaya. Napakarami kong oras ngayon para isingit iyon na sana naging busy nalang ako ngayong araw.
Nasa counter ako ngayon at hindi ganon karami ang tao. Thursday kasi kaya ganon, madalas ay wala talagang studyante dahil busy sa mga ginagawa nila.
Pero may mga college students pa rin na tumatambay sa cafe para gawin ang mga thesis or projects nila.
"Huy ano nga?" palibhasa'y mamaya pa tutugtog todo pangungulit ang ginagawa sa'kin ni Lucas.
Hindi ko siya uli pinansin at tinuon lang ang tingin sa pintuan ng Cafe. Nung bigla siyang humarang sa tinitignan ko.
Salubong na ang kilay niya pero hindi naman mukhang galit, sabihin nalang nating nagtataka at nag-aalala ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Are you okay? You look pale." inilagay niya pa ang likod ng palad niya sa noo ko kaya bahagya akong napaatras.
Pero hindi niya 'yon pinansin. Kunot noong pinakiramdam niya ang noo ko 'tsaka tumingin sa'kin na nanliliit ang mata.
Napatitig din ako sakaniya; segundo, minuto ang itinagal nun bago ko nagawang tapikin ang braso niya.
"Wala akong sakit Lucas." asar kong sabi.
"Maputla ka tapos halatang wala ka sa wisyo. Ngayon lang kitang nakitang ganyan kaya hindi kana dapat magtaka na ganito ang reaksyon ko." nakasimangot niyang sabi na kinasimangot ko na rin.
"Sorry. Masyado lang akong maraming iniisip ngayon." ngumiti pa ko ng pilit sakaniya.
Sumeryoso naman siya. Pinatitigan niya muna ako saglit bago nagsalita.
"We can talk about it naman. I'm always free, bleu." nakikita ko ang sensiridad sa mga mata niya na bahagyang nagpakalma sa utak ko.
"Ayos lang ako ano kaba." ngayon ay totoong ngiti na ang naiguhit ng labi ko.
"Yan. Ngumiti na siya oh" Nakakaloko na namang ani ni Lucas na tumawa pa.
Napailing nalang ako at itinigil na ang pagngiti dahil may dumating na ring costumer.
"Good afternoon sir, may I take your.." Kusa akong napahinto nung makita ko kung sino ang nasa tabi ngayon ni Lucas.
Kahit may mga puti na itong buhok, kahit may mga wrinkles na ito sa mukha, kahit pumayat at nangitim ang balat nito..
Hindi ako makapaniwalang nakikilala ko pa rin kung sino siya.
"Isabelle." ngumiti ito sa'kin.
Umawang ang bibig ko.
Unti-unting nanubig ang mga mata ko habang nakatitig sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
Bumagal ang paghinga ko.
Halos hindi ko na maintindihan ang mga nasa paligid ko basta naramdaman ko nalang na may brasong sumalo sa'kin ng bigla akong mawalan ng malay..