Chapter fifteen

15 2 0
                                    


"Miss? Miss.."

Napakurap ako at mabilis na itinikom ang nakaawang kong mga labi. Napatitig ako sakaniya saglit bago umiwas na naman ng tingin.

"I'm lost."

'lost in your eyes.'

"Mind me?" napatitig na naman ako sakaniya.

Tinatanong niya ba kung pwedeng tulungan niya ako or what? Pero dahil sa sobrang kaba ay tumango nalang ako.

"Let's go, then." ngayon ko lang napansing nawala ang thai accent niya. Siguro dahil english na ang sinasalita niya.

Nagsimula na kaming maglakad. Tahimik lang kami kaya naman nagkunware nalang akong hinahanap ang daan kung san ako galing.

Hindi ako makaimik dahil sa kaba at pagkailang habang siya naman ay nakapamulsang naglalakad ng deretso. Halata rin ang pagkabored sa mukha nito.

Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay mali ako na pumayag pa na samahan niya ako.

"ATE ISABELLEEE!" napalingon ako sa tumawag sa'kin at nakita ko ang isang babaeng tumatakbo papalapit sa'kin. Nakahinga ako nang maluwag nung makita si Jeanne yun.

"Oh, I think I should go." napalingon ako sakaniya na ngayon ay nakatingin din kay Jeanne munit agad din akong nilingon at bahagyang ngumiti. "Take care. Bye." kumaway siya at umalis na ng hindi man lang ako hinintay makapagsalita.

"Ate! Nalingat lang ako saglit, may kausap kana agad na ibang lalaki?" gulat na gulat na salubong sa'kin ni Jeanne pagkalapit niya. Pareho naming hinahatid ng tingin si Lucas.

Ngumiti lang ako ng tipid sakaniya at bumuntong hininga.

Gusto ko sanang sabihin na hindi iyon stranger o ibang lalaki一kun'di si Lucas. Ang lalaking palihim kong hinihintay ng walong taon.

Pero ipinakibit balikat nalang ako at sumama sakaniya ng hilain niya ako pabalik sa store.

Sinabi niya nung lumabas daw siya sa dressing room ay wala na ako. Hindi raw siya nun nag-alala pero nung sinabi nung stuff na may naiwan akong gamit ay 'tsaka siya lumabas para hanapin ako.

"Buti nga hindi ako sinita kasi suot-suot ko pa 'tong bibilhin ko."

Tsaka ko lang napansin ang suot niyang may tag pa. Bahagya tuloy akong nakonsensya dahil halatang nagmamadali siya.

"Sorry ah? Ako nalang magbabayad." sabi ko sakaniya at ngumiti ng tipid.

Ako nga ang nagbayad ng dress na 'yon. Nung una ay hindi pa siya pumapayag but I insisted. Malaking abala na inabala ko siya at pinag-alala, kumbaga ang dress na 'yon ay bayad ko na sakaniya kahit hindi niya naman ako sinisingil.

"Thank you ate ha?" nakangiting sabi niya. "Atsaka sorry rin kung mauuna na ako. May urgent kasi e." nahihiya niya pang ani.

Umiling lang ako. "Hindi, salamat kamo sa pagsama sa'kin dito. Nag-enjoy ako nang sobra." sinserong sabi ko.

Nagpaalaman na kami maya-maya. Hinatid ko ng tingin ang taxi na sinasakyan niya 'tsaka napag-desisyunang gumala muna.

Maganda ang late night walk ngayon. Feel na feel ko ang ganda ng buwan at ang lakas nang hangin. Wala na rin masiyadong tao ngayon. Siguro dahil pass 10 pm na rin.

Naglakad-lakad nalang ako habang nakatulala. Aaminin kong hindi ako makaget-over sa nangyari kanina. Walong taon na rin kasi ang nakalipas at ang insidenteng iyon ay malaki na para sa'kin.

Mea Culpa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon