Chapter seven

8 2 0
                                    


Napapikit nalang ako nung makaramdam ako ng hilo kakabilang ng benta namin sa araw na 'to. Hindi ko napansing kumakalam na pala ang sikmura ko kanina pa.

Sa ingay at sobrang dami ba naman ng costumer maririnig ko pa ba ang ingay ng tiyan ko?

Namulat ko ang mata ko nung may maramdaman akong malamig na dumampi rito.

Pagtingin ko ay si Lucas pala. As usual abot langit ang ngiti niya habang nakatingin sa'kin.

"Magtubig ka muna." kumunot ang noo ko bago ko kinuha ang tubig na binigay niya at ininom iyon.

Hindi na nakakapagtakang naubos ko ang isang bote ng mineral water na binigay niya. 

Pagkatapos kong uminom ay naroon pa rin siya sa harapan ko. 

I tilt my head and Looks at him with a curious look.

"Pwede bang samahan mo'ko? Sandali lang promise." nakangiting sabi ni Lucas na nahulaan yata ang tingin ko.

"Saan naman?" kunot noo pang tanong ko at umiwas ng tingin para ayusin ang counter.

"Diyan lang. May nakita kasi ang sisigan pero medyo malayo rito. Gusto ko kasing subukan" nakangiti pang sabi niya.

Napataas ang kilay ko at napatingin sa mga kabanda niya. "Bakit hindi sila ang yayain mo?" tinuro ko pa gamit ang labi ko ang mga kabanda niyang nakaupo lang din sa mga seats na naroon.

"A-Ah.. Busy kasi sila. Actually sila ang una kong niyaya bago pa kita ayain." natawa pa siya na halata namang pilit.

Kumamot pa si Lucas sa tip ng ilong niya pati na rin sa batok niya. Halata ring nagsisinungaling ito dahil umiwas siya ng tingin.

"Oo na. Gusto ko kasing kumain don kasama ka." nakanguso niya ng sabi. "Kaya pumayag kana. Saglit lang naman tayo don e."

Napakamot na rin ako sa kilay ko.

"Kawawa naman si-"

"Edi magtake-out nalang tayo para may mauwi ka."

Napatitig nalang ako kay Lucas at napailing dahilan para mas lumaki pa ang ngisi nito habang nakatitig sa'kin.

NGAYON AY nasa sisigan kami.

Tama nga ang sabi ni Lucas na medyo malayo ito sa Cafe na pinapasukan namin pero medyo malapit naman ito papunta sa bahay namin.

Actually ngayon ko lang din napansin ang sisigan na 'to. Madalas kasi ay nakatulala lang akong umuwi o di kaya nakayuko dahil sa pagod.

Matao ang lugar. Mainit, Maingay at Halo-halo ang amoy ng bawat tao.

Hindi ako mareklamo ha? Sanay na 'ko sa ganito maliban nalang sa lalaking nasa harapan ko.

Alam kong naiilang siya sa lugar na 'to dahil hindi katulad sa cafe na may aircon, dito electric fan lang tapos umiikot pa ito sa kabilang table. 

Tagaktak na rin ang pawis niya dahil naka-polo siya ngayon. Actually medyo nakataas na nga ang manggas ng polo niya sa sobrang init.

Sobrang ingay din na parang hindi ka maririnig ng taong kausap mo kung hindi mo lalakasan ang boses mo.

"Ayos kalang?" tanong ko sakaniya.

Agad siyang ngumiti at tumango sa'kin.

Yung ngiti niya para na ring naging ngiwi. Halatang pinipigilan niya rin ang pagkakunot ng noo niya at ang ngiwi sa pamamagitan ng pagngiti niya sa'kin.

Mea Culpa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon