Chapter five

10 4 0
                                    

ILANG beses kong muntik-muntikang matapon ang laman ng hawak kong tray dahil sa pagka-ilang.

Ubos na ang kape nila Lucas pero hindi pa rin sila umaalis sa upuan nila.

Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya o gusto niya lang talagang magpahinga一munit alinman doon, nakakaasar para sa'kin.

Kaya ayon, ngayon ay nakipagpalit ako kay Ariel, Isa sa mga bagong student worker ditk sa cafe.

Ka-edad ko lang din kaya swak na swak ang ugali namin.

"Thank you ariel ha? Tsaka sorry rin sa abala." nahihiyang sabi ko nung pumunta na siyang cashier kung nasan ako naka-toka.

Ngumiti siya ng matipid. "Ayos lang." tipid din niyang sabi.

Simula nung magtrabaho siya dito ay halos mabibilang mo lang ang words na sinasabi niya. Sobrang tipid na parang may pinag-iipunan siya.

Tumango nalang din ako at nagpasalamat uli bago bumalik sa kusina. Sumulyap pa ako sa table nila Lucas na sana pala ay hindi ko nalang ginawa dahil nahuli ko na naman ang titig niya!

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na sa kusina.

Hiyang hiya talaga ako kanina nung pumunta ako sa kusina para lang sabihin kay Ariel na magpalit muna kami.

Hindi na nga siya nagtanong ng bakit at basta nalang tinanggal yung gloves, apron tsaka net sa buhok tapos binigay sa'kin lahat e.

Ang bait niya talagang nilalang.

Tambak ako ng linisin kaya hindi ko na masiyadong napagtuunan ng pansin ang mga taong lumalabas at pumapasok sa kusina.

Sa totoo lang ay wala naman akong dapat ipagkabahala dahil ang mga taong pwede lang pumunta dito ay yung mga nakatoka sa kusina, bawal ang costumer o yung mga nakatoka outside ng kusina.

Bumukas ang pintuan ng kusina pero gaya ng sabi ko ay wala na rin akong oras para tignan kung sino iyon.

Hanggang sa bigla ko nalang naramdaman ang presensya sa tabi ko kasabay ng pagtunog ng baso at plato.

Sa pagtataka na baka tapos na ang shift ko ay lumingon ako pero halos bumagsak ang panga ko nung makita kung sino 'yon!

Suot ang nakakalokong ngiti ay pinagpatuloy nito ang paghuhugas na parang wala lang ang naging reaksyon ko!

Parang gusto kong magmura ngayon一 please, pwede bang magmura ngayon?

Napapikit ako ng mariin sa inis kasabay ng paghilot ko sa sintido ko. Nakikita ko palang siya ay stress na stress na 'ko.

Pilit kong pinakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim habang bumibilang ako gamit ang daliri ko.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko nung kumalma na 'ko.

"Anong ginagawa mo rito?" seryoso kong tanong.

Sa wakas ay tumigil na rin siya sa paghuhugas ng mga hugasin ko at nakakalokong itinaas ang kilay sa'kin na para bang may sinabi akong bagay na obvious naman ang sagot.

"Anong sabing ginagawa mo rito." kalmado pa ring tanong ko.

Naiinis na uli ako sa totoo lang. Isabay mo pa ang nakakainis niyang reaksyon.

"Well, Its obviously that I am here to help you." napangiwi ako 'tsaka kinuha ang platong dapat huhugasan niya.

"Lumabas ka rito lucas." seryosong sabi ko at bumalik sa paghuhugas.

Mea Culpa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon