Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi sa hotel ng buong buo. Basta ang alam ko sumakay lang ako sa taxi at buong oras na nakatulala. Muntik ko pa ngang hindi mabayaran si manong kung hindi niya lang ako pinagbuksan ng pinto.Ngayon ay nasa shower ako. Nakatulala na naman habang nakatingin sa kawalan. Lang hiya, ganito pala ma-heartbroken. Nakakawalang ganang mabuhay at parang ayaw mo na ring kumilos.
Dahil sa sobrang pagod at lasing ay nakatulog ako sa kama na ang suot lang ay roba. Kaya ayon, mas lalo mng sumakit ang ulo ko kinabukasan. Buti nalang talaga may stock akong noodles dito kaya hindi na ako nahirapang magluto.
Mamayang tanghali naman ay sa labas ako kakain. Tama na siguro ang pagpupunta sa mga lugar kung saan siya pumunta. Eenjoyin ko ang araw na 'to sa paraang ako naman ang may gusto. Gagawin ko lahat ng gusto ko ng hindi kontektado sakaniya.
Para baka sa paraang iyon ay matanggap ko ng wala na siya sa buhay ko.
Pero para nga talagang nananadya ang tadhana dahil pagkabukas ko palang ng pinto ay siya na agad ang bumungad sa'kin. Suot ang itim na polo at short shorts at sleepers ay nagtama ang paningin naming dalawa. Mukhang magpupuntahan din siya
Nakagat ko ang labi ko at awkward na ngumiti sakaniya. Binigyan niya na naman ako ng tipid na ngiti bago naunang umalis. Ayun tuloy, hinatid ko nalang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.
Bumuntong hininga ako. Nawala lahat ng plano ko ngayong araw dahil sa lalaking iyon. Bwiset kasi! Bakit magkaharap pa kami ng kwarto?!
Walang ganang bumaba ako sa restaurant. Buti nalang may free meal itong hotel. As usual ay maraming tao; may magkapamilya, magka-date at iba pa.
Nakikita ko pa ang ibang nga kaedad ko na masaya kasama ang pamilya nila. Ang cu-cute din ng mga anak nila. Napabuntong hininga ako at balak na sanang umalis nung makita ko ang sineserve nila.
Puro filipino dishes. Siguro syun ang nakalagay sa menu nila at hindi ko lang napansin. Iba-iba kasi ang menu nila kada araw kaya minsan ay mas gusto ko nalang kumain dito.
"Enjoy your meal miss." ani ng chef habang kumukuha ako ng putahe.
Ngumiti nalang ako. Self service kasi rito pero pwede ka ring magpadala ng food sa room mo一ayun nga ang ginagawa ko t'wing tinatamad akong kumain sa labas o maski ang bumaba.
Nakahanap agad ako ng upuan. Malawak kasi ang lugar at fancy ang datingan.
Tahimik akong kumakain. Wala sa table ko ang cellphone maski ang dala kong pouch. Ayaw ko ng mga taong kumakain habang gumagamit ng cellphone, para kasing nakakabastos din iyon.
In unexpected time and expected place一bigla nalang may umupo sa harapan ko. Agad kong itinaas ang tingin ko just to see him sitting infront of me.
"Why are you here?" I asked in an annoyed tone.
"To eat?" walang kwenta niyang sagot.
I took a deep breath and decided to just to ignore him. Kaylan lang ay gusto ko siyang makita at makausap, tapos ngayon gusto ko nalang lumayo sakaniya. But Destiny wants the other thing.
I bite my lips when I heard him humming. Parang sinasadya pa niyang patunugin ang utensils niya. Umiwas nalang ako ng tingin at nagfocus nalang sa pagkain ng payapa. I don't want to be bothered by him. Like, seriously, in front of my filipino food? Nah.
My phone in my pouch rang. Agad kong kinuha iyon sa iisiping importante. I bit my lips when I saw the caller一It was love.
Napangiti ako nang malawak at isinagot iyon agad. I mean, I didn't say that you can't take a call, right?! 'Tsaka love is so important to me.