Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakahintay na lumabas si Lucas sa room na iyon.Kung pwede nga lang matunaw ang pinto, tiyak na kanina pa 'to natunaw dahil sa kakatitig ko.
Muli kong tinignan ang malaking wall clock namin一 napabuntong hininga ako nung makitang alas dyis y medya na pala, dapat ay nasa bahay na ko't nagpapahinga pero heto ako.
Naghihintay kay Lucas para lang masarado ang cafe. Tama! Yun talaga ang rason ko at hindi dahil sa nag-aalala ako sakaniya!
Gusto ko lang mag-ingat, baka kasi hindi mamalayan nitong lalaking 'to na may nakapasok na palang magnanakaw sa cafe na 'to e--- baka mawalan pa ko ng sweldo, no way!
"Okay kalang?" nagising ang diwa ko nung biglang may nagsalita, at nung tinignan ko kung sino yun ay mas mabilis pa sa alas kwatrong napaayos ako ng upo.
"O-Oo naman." Tumikhim ako para ayusin ang boses ko. "Buti naman lumabas kana dyan, kanina ko pa dapat isasara ang cafe---" natigilan ako sa pagsasalita nung makitang naglakad palapit sa'kin si Lucas!
At ang mas nakakagulat pa roon ay nung makalapit na siya....
"L-Lucas." utal kong tawag sakaniya nung maramdaman ang bigat niya!!
Nakaluhod siya sa gilid ko at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko! Ako ang nahihirapan sakaniya munit hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang magalaw ang katawan ko.
"Please.. Let me rest." Iilang words lang yun, walang bahid na utos o ano man munit agad sinunod ng katawan ko.
Para na 'kong statwa dahil hindi ako gumalaw, maski ang paghinga ko ay kinakailangan ko pang bagalan para hindi masiyadong magalaw ang balikat kong sinasandayan ng mabigat niyang ulo.
"Ano ba kasing ginawa mo at tutok na tutok ka sa computer?" hindi ko na napigilan ang magtanong.
Akala ko'y hindi na siya sasagot dahil saglit na katahimikan ang namunhawi sa amin munit maya maya lamang ay nagsalita rin siya.
"Did i told you that I trust you. didn't i?" pabalik niyang tanong sa'kin.
"Anong connect niyan sa tanong ko?" hindi ko na naman maiwasan ang magtaray. "Computer ang tanong ko at hindi sa sinabi mo---"
"Basta, malalaman mo nalang bukas." duda ako sa ngiti niya na tila ba exciting ang mangyayari bukas.
Napailing nalang ako at hinayaan nalang siya sa gusto niya-- tutal ay may konsensya at pride naman ako 'no!
Hindi ako papayag na magkaroon ng utang sa lalaking 'to!
Nakatulala lang ako sa kawalan hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako..
Zzzz.
LUCAS P.O.V
Unti unti kong iniangat ang ulo ko.
Hindi ko maiwasang mapangiti nung makitang nakapikit na siya at gumegewang na ang ulo.
"You're still beautiful.. bleau." nakaramdam ako ng kirot sa puso nung tawagin ko siya sa pangalawa niyang pangalan.
Pilit ang ngiting iginawit ko sa nakapikit at halatang tulog niyang mukha.
'kung alam mo lang kung gaano kita namiss.' malungkot kong ani sa sarili ko.
"Op-"mabilis kong sinalo ang ulo niya gamit ang dalawa kong kamay!
Muntik na siyang mauntog sa salaming lamesa dito!