Chapter three

17 4 0
                                    


ILANG araw akong hindi pumasok sa trabaho dahil sa masama pa ang pakiramdam ko一 at nung pumasok naman ako ay sumama naman ang loob ko.

Bakit? Hindi na dapat tinatanong iyan dahil siguradong nahuhulaan niyo na kung bakit.

"Okay kana ba?" hindi ko alam kung ilang beses nang itinanong sa'kin ng shokoy na 'to ang tanong na iyon.

At sa hindi mabilang na pagkakataon ay tinalikuran ko lang ito at ginawa ang nakatungkulin sa'kin.

Kung dati, ang counter ang pinaka gusto kong spot dahil dito nakakakahalubilo ako ng iba't ibang tao一 ngayon ay parang nagiging ayaw ko na dahil sa taong nasa harapan ko ngayon na wagas ang pag ngiti.

'Pano kung suntukin ko ang nakakairitang mukha neto?'

Hirap na hirap na ako sa pagpipipigil na suntukin sa mukha ang lalaking 'to.

Gustuhin ko mang makipagpalit sa pwesto ni Marie ay hindi ito pumapayag dahil sa shokoy na 'to.

Kesyo raw kagagaling ko lang sa sakit tapos papagurin ko na agad ang sarili ko一 ginuilt trip pa ang manager namin para hindi ako ilagay sa kusina.

Masaya man ako sa naging resulta一 na nandito ako ngayon sa favourite spot ko'y hindi ko maiwasang maawa kay marie.

Sobrang hirap kaya sa kusina.

"Tutugtog kami mamaya.." tignan mo 'tong shokoy na 'to, hindi ba siya nakakaramdam ng kahit ano? Ilang na ilang na 'ko! "Nood ka ha?" wagas na naman ang ngiti nito na para bang walang nangyari nung nakaraan.

Bumuntong hininga nalang ako bago siya hinarap, sasagutin ko nalang ang mokong na'to kesa mag-ingay pa ng mag-ingay dito.

"Makakanood naman talaga ako dahil bukod sa nasa counter ako ay malapit lang ang stage dito." hindi ko maiwasang maging sarkastiko sa mokong na 'to.

Akala ko ay maiinis siya dahil sa sagot ko, pero nagulat ako nung mas lumawak pa ang ngiti nito一 may mas ilalawak pa pala ang ngiti niya?!

"Pwede bang umalis kana dito? Binabayaran ka para tumugtog, hindi ang makipagchismisan." mataray kong pagtataboy.

Hindi nawala ang nakakainis na ngiti sa mukha nito一 gwapo man siya para sa paningin ko, nakakairita pa rin ang pagkakangiti nito.

"Oo na boss!" at kailan pa ako naging boss nito??

Hindi ko nalang siya inimik pa dahil sakto namang may dumating na customer.

"Hi! Welcome to Velitisha Cafe! What's your order, miss?" ngumiti siya na halos kita na ang giligid.

Ganon daw kasi dapat ang ngiti sabi nung masungit namingvhead.

"Uhm, can i take uhm.." hinintay ko ang susunod pang sasabihin nung babae.

Munit halata sa itsura nitong nahihirapan ito kung kaya't nagsalita na ko.

"May i help you miss?" Nakangiti ko pa ring tanong. Tumango ito kung kaya't mas mabilis pa sa alas kwatrong kinuha ko ang maliit na menu at ibinigay ito sa babae. "If you want some coffee with ice一 our special coffee for that is Caramel Macchiato." itinuro ko ang parte kung nasan ang tinutukoy kong kape. "But if you want a hot coffee, we have latte that every customer would die for!" At iyon na nga, tuloy tuloy lang akong nagsasalita at turo ng turo sa mga top rate na coffee dito sa cafe namin!

"Wow.. Uhm, i want this one and this..." napatingin ako sa itinuro ng customer.

Lumawak ang ngiti ko nung makitang Caramel Macchiato at Caramel Milk ang pinili niya.

Mea Culpa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon