"Ay ate gising kana pala?" bahagya pang tumaas ang kilay ni Isra habang nakatingin sa'kin.Kunot-noong umiwas naman ako ng tingin atsaka ko nakita ang mga pagkain sa lamesa.
Tama! MGA PAGKAIN!!
Parang pyesta sa bahay dahil maraming nakahain na pagkain.
May hotdogs, bacon, eggs, fruits,coffee, sinangag, bread and more!
"Pyesta ba?" wala sa sariling tanong ko nung makaupo na 'ko.
"Binili yan ni kuya Lucas. Hindi niya raw kasi alam kung anong paborito mo一ehem. Natin pala. Paborito natin, ate." ngumiti pa ng matamis ang kapatid ko matapos niyang sabihin yun.
Napatingin naman ako kay Lucas na nakatingin din pala sa'kin.
Ikinakibit-balikat niya ang mata kong nagtatanong sakaniya.
Nagsimula na kaming kumain. Hindi ko alam kung paano namin naubos ang lahat ng 'yon pero naubos ngang talaga namin.
Walang natira niisang pagkain sa hapag-kainan.
Gayon pa man ay nakaramdam ako ng kaunting kaligayahan kahit pa bloated na ang tiyan ko.
"Mauuna na 'ko, Isra." nakangiting paalam ni Lucas sa kapatid ko.
"Sige kuya! Ingat!" nakangiti namang paalam ng kapatid ko.
Feel ko ay close na close na agad sila kahit ngayon lang silang nagkasama.
"Bleau." tawag ni Lucas sa'kin.
Napasulyap naman ako sakaniya at tumango pa ng bahagya hindi ko alam kung napansin niya ba ang pagtango ko o hindi dahil agad ko ring binalik ang tingin ko sa lamesa. Nakatulala lang ako dahil sa kabusugan.
"Bleau?" napakurap ako nung maramdaman ang bahagyang pagtapik niya sa'kin.
"Oh." Lumingon ako sakaniya.
"Una na 'ko." paalam niya sa'kin.
"Sige, Ingat." tipid kong sabi.
ganon nalang ang pagtataka ko nung hindi pa rin siya umaalis mula sa gilid ko kaya inangat ko pa ang ulo ko at pakiramdam ko muntik pa 'kong magka-stiff neck dahil sa tangkad niya!
"Bakit?" tanong ko agad nung makita kong nakatitig siya sa'kin.
"Ate hindi mo ba sasamahan si kuya palabas sa'tin? Baka mamaya pagtripan yan nila Jeffree " sabat naman ng kapatid ko.
Nung marealize ko 'yon ay agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko.
"Tara na Lucie, hatid kita sa pasakayan." ani ko.
Nauna na 'kong maglakad kaysa sakaniya pero agad din siyang sumunod.
Nung paglabas namin gaya ng inaasahan ay nag-iinuman nga sila Jeffree sa labas ng bahay nila.
Mabuti nalang talaga ay sinabi 'yon ng kapatid ko kun'di ay yari talaga 'tong si Lucas.
May ugali kasi ang mga lalaki ritong mag-aya ng tagay kahit hindi nila kakilala lalo na kapag bagong mukha at salta rito.
Kaya nga lahat ng katrabaho ko ay inihahatid ko muna sa sakayan e. Mahirap na, baka mapagtripan ng kampon ng mga lasingero sa gilid-gilid.
Akala ko ay makakatakas na kami dahil papalampas na kami kila Jeffree nung bigla akong tumigil sa paglalakad nung mapansin kong wala nang sumusunod sa'kin.