Chapter two

22 4 0
                                    

Isabelle p.o.v

"Touch her and you're dead." gigil nitong sabi.

Lumingon kaming lahat at nakahinga ako ng maluwag nung makita ko siya..

"Lucas.." iyon na lamang ang naiusal ko.

Tumingin siya sa'kin-- hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon pero nakita ko ang pag -aalala sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako. Bahagyang kumunot ang noo nito at unti unting ngumisi.

Kilalang kilala ko ang side na ito ni lucas! Napatingin ako sa kaniyang kamao at tama nga 'ko. Nakayukom na iyon at nanginginig pa.

Alam ko ang kayang gawin ni lucas-- Noong bata pa lamang kami ay kahit mas malaki sakaniya ay napapaiyak niya, pero ngayon ay natatakot ako para sakaniya一sa aming dalawa. Dahil hindi lang normal na lalaki ang mga taong 'to. Bagkos ay malalaki ang katawan at halatang laging tambay sa gym.

"oh bata? Gusto mo bang makisali sa amin?" nakangising sabi nung humawak sa akin sa balikat.

Matunog na ngumisi si lucas. "Hindi ako marunong makihati." mayabang na sabi nito.

Nawala ang kaninang kulit at napalitan ng seryosong at nag aapoy na mga matang si Lucas na nasa harapan ko ngayon.

"Let her go." seryosong utos ni lucas munit tinawanan lang siya ng mga ulupong!

"Paano kung ayaw namin? May magagawa ka ba?" mapang asar pang sabi nung isang nakasando na itim. "Paano kung gawin ko 'to.." napatili ako nung maramdaman ko ang labi nung nagsalita sa leeg ko. "May nagawa ka? Hindi ba wala?"

Nanginig ang buo kong katawan habang pinipilit na kumawala sakanilang lahat一 pero masiyado silang malakas kung kaya't umiiyak akong tumingin kay lucas.

'Lucas.. Help me' kung nababasa lang nila ang nasa isip ko ay halos magmakaawa na ako para sa buhay ko.

Mariing pumikit si lucas kasabay ng isang ngisi at matalas na tingin sa lalaking nakasandong itim.

"Oh ano bata? Haha puro ka yaban--"hindi na natapos ang sasabihin nung lalaking nakasando nung walang ano ano'y nakalapit sakaniya si lucas at mabilis siyang sinapak sa mukha dahilan para mapalayo rin sa'kin ang iba pang mga lalaki. Lumapit agad sa'kin si lucas at marahan akong itinayo. Tinanggal niya rin ang jacket nya at mabilis na isinuot iyon sa hubad kong katawan.

"just trust me once again.." seryoso niyang usal.

Kahit hinang hina ay napatango ako. 'I trust you lucas..' ani ko kasabay non ang pagbagsak ko sa lupa at pagdidilim ng aking paningin.

Munit bago pa man ako kainin ng dilim ay napagmasdan ko pa si lucas na nakikipagsapakan sa mga lalaking iyon..

NAGISING AKO dahil sa amoy ng kemikal. Mabilis akong bumangon munit agad napadaing nong maramdaman ko ang sakit ng aking braso at nung tignan ko iyon ay halos maging kulay violet na iyon dahil sa sobrang maga! Lumingon lingon pa ko sa paligid ko at natigilan lang ako nung makita ko si lucas..

Nakadikwatro ang mga paa nito habang nakahiga sa isang mahabang sofa pero nakakatawang hindi pa rin siya kasya.

Nakagat ko ang sariling labi nung makita ko ang kabuuan nito. Puno ng sugat ang braso nito at may pasa pa ito sa ibaba ng mga mata nito. May band aid din sa labi nito at iba pang parte ng katawan nito.

Napasimangot akong pinilit ang sariling tumayo at lumapit sakaniya. Dahan dahan lang akong naglakad at umupo sa lamesa upang makita sya ng malapitan.

"You saved me again.." bulong ko habang nakatingin sa mukha niya. "I thought you will not come to save me.. I thought you left already." ani ko. Hindi ko napigilang haplusin ang mukha niya.

Mea Culpa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon