Chapter seventeen

5 1 0
                                    


Isang araw nalang. Isang araw nalang at uuwi na ako sa pilipinas pero hindi ko na uli nakita ang anino ng lalaking iyon. Kahit nung kumain ako nung isang araw sa restaurant ng hotel na 'to, hindi ko pa rin siya nakita. Siguro talagang dinibdib niya ang sinabi ko.

I mean, ito naman talaga ang gusto ko hindi ba? Ang lumayo siya at hindi magpakita dahil nasasaktan ako t'wing nakikita ang malamig niyang mata. Ayaw kong tanggapin na iba na siya sa lucas na nakilala ko noon.

Pero ngayon ay mukhang iba na naman yata ang takbo ng isip niya dahil nung buksan ko ang pintuan ay tumambad siya sa harapan ko dala-dala ang isang box ng Toblerone.

Tinaasan ko lang siya ng kilay munit binigyan niya ako ng tipid na ngiti at ibinigay ng sapilitan ang hawak niyang toblerone.

"I don't want to bother you anymore but what you told me bothered me so much. So.."  sinulyapan niya ang binigay niya sa'kin at ngumiti ng tipid.

Tumingin lang ako sakaniya. Hindi ako gumalaw o nagsalita man lang. Kahit kumurap ay tila nakalimutan ko na rin yata. Tumalikod siya sa'kin munit humarap din ka agad. Gumalaw ang mga labi niya na parang may gustong sabihin munit agad niya rin itong itinitikom.

"Ah, I'm sorry. Can I ask something?"  Sa wakas ay nagsalita na siya.

Tango lang ang naisagot ko.

"Do you know me?" Natigilan ako saglit at napatitig sakaniya. Nagdadalawang-isip na tumango ako. "Do I know you?"  at don ako napipi.

Tinitigan ko ang mga mata niya pero bumagsak lang ang balikat ko nung makita ang pagkalito sa mga mata niya. Walang halong biro o ano man para masabi kong nagbibiro lang siya.

Yumuko ako at napakapit ng mahigpit sa bigay niya. "Anything else?" iwas ko sa tanong niya.

"Do you have free time today? I.. uhm, I cooked and I can't finish it alone." naiangat ko ang tingin sakaniya nung marinig iyon. Nakaiwas na ang tingjn niya sa'kin at nakahawak sa batok niya.

Natawa ako ng mahina ngunit hindi ko man lang ipinahalata iyon sakaniya. Tumango lang ulit ako at hindi na nagsalita hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa hapag-kainan kasama siya.

Nakaupo lang ako habang siya naman ay hindi magkanda-ugaga sa pag-aayos ng lamesa. Ang masasabi ko lang sa room niya ay sobrang linis maliban nalang sa kusina niya.

"I cooked tinola and adobo since I saw you eating those yesterday."

napakunot ang noo ko. "You were there?"

para naman siyang natauhan sa sinabi dahil bahagya siyang natigilan. munit agad siyang tumikhim at umiwas ng tingin.

"No.. I was passing by." umiwas siya ng tingin at kumamot ng ilong.

Napailing nalang ako sa sinabi niya. Doon ko lang nalaman na totoo pala ang action speaks louder than words.

"Ah, I see." tumango-tangong ani ko. "How do you learned to cook them, by the way?"

"I did research yesterday and tried cooking them.. It's my.. well 4th time cooking it." nahihiya niya pang sabi.

Hindi ko mapigilang matawa dahil halatang nahihiya siya! Namumula kasi ang tungkling ng ilong niya pati na rin ang tenga niya.

"Why? Is there something in my face?" he asked curiously as he wipe his face. Umiling nalang ako at sinimulan nalang kumain while he's still conscious about his look na he even stand up and went to his bathroom yata to check.

Pagkabalik niya ay ngangalahati na ako ng pagkain. Basa na ang buhok nito. Pakiramdam ko ay naghilamos siya.

"Dig in." I uttered when I saw him staring at me at hindi pa umuupo. Nakakahiya dahil ako pa mismo ang naunang kumain. Ngumiti siya at tumango bago kami nagsalo sa hapagkainan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mea Culpa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon