Starting a business is hard. Actually, hindi ko alam na ganito pala siya kahirap. Sabi nila as a business person, you need to take risk on everything especially sa kukuhain mong negosyo. Product and place is everything, ika nga nila.Kaya naman pinili ko yung lugar na matao at ang produktong papatok sa target market ko. Pinili kong magtayo ng maliit na cafe dito, 'yong cafe na hindi katulad sa cafe na pinagtrabahuhan ko. Ito talaga ay sinubukan kong gawing pang-estudyante ang datingan dahil studyante din naman ang target ko.
Two-storey house ang pinili ko. Ang unang palapag ay parang isang normal na cafeteria lang while sa itaas naman nito ay computer shop. May free wifi din dahil for educational purposes din naman iyon, sigurado. Binabaan ko rin ang price ng mga tinitinda ko, gusto ko yung price na kayang ibigay ng target market ko.
Hindi naging madali ang unang b'wan na pinatayo ko ang business na 'to. Dugo at pawis ang pinundar ko rito.
Unang araw ng pagbubukas ng cafe ay sila jeanne ang unang naging customer ko. Nasa ikalawang palapag si Isra para siya ang magbantay habang nasa baba naman ako. Hindi muna ako kumuha ng tutulong sa'kin dahil hindi pa naman patok itong cafe.
Araw-araw ay may customer naman ako, hindi lang pala studyante ang magiging customer ko pero maski ang school staffs. Masaya akong nakikipagkwentuhan sakanila dahil nakikipagkwentuhan din sila sa akin. Yung iba sakanila ay naging close ko na dahil naging regular customer ang mga ito.
Ilang b'wan na ang lumipas na parang isang kisap mata lamang. Naging maugong ang cafe ko, nagkaron din ako ng social media page kaya nagkakaroon ako ng order labas man o loob ng pilipinas. Pumatok ang lucie cupcakes ko na ginawa ko nung mga panahong naalala ko ang lalaking iyon.
Sa totoo lang ay hindi lang naman iyon ang pumatok sa menu namin pero mas pumatok lang talaga ang lucie cupcakes ko na umaabot sa ibang bansa.
Ilang taon ang ginugol ko sa pagbubusiness na nagkaroon na ito ng branches sa iba't ibang parte ng pilipinas. Nakatapos na rin si Isra sa pag-aaral at ngayon ay isa ng ganap na guro sa skwelahan kung saan din siya nag-aral nung highschool.
masasabi kong iba na ang takbo ng buhay namin, mas masagana na ito at umunlad nga kami. Last year umuwi si mama galing sa Australia, tinapos niya muna kasi ang kontrata niya bago bumalik sa pilipinas.
okay na ang buhay ko.. nakapagtapos ko na ng pag-aaral ang kapatid ko.. napauwi ko na ng australia ang mama ko.. nakapagpatayo na ko ng sariling bahay.. may negosyo na rin akong maitatawag.. pero bakit may kulang pa rin?
29 years old na ako, mag-30 na next year. Nakuha ko naman na ang mga pangarap ko noon kaya nalilito ako kung bakit parang may kulang pa rin?
"Ate isabelle!" napakurap ako at napalingon sa babaeng tumatakbo papalapit sa'kin. Agad nitong ipinaikot ang kamay sa braso ko. "I missed you!" malambing pa nitong sabi.
"Aww, parang walang asawa ha?" nakangisi kong sabi at sinulyapan si Ariel na seryosong naglalakad palapit sa'kin.
"Hayaan mo siya, ikaw muna ang love ko ngayon hihi!"
Three years na silang kasal at sa halos eight years nilang magkarelasyon ay matatag pa rin sila. Nag-aaral pa rin ngayon si Ariel dahil pagiging doctor ang kinuha niyang kurso habang tapos naman na si Marie sa pag-aaral at ganap ng Journalist. Lagi ko siyang napapanood sa tv.
"Hmh, hello isabelle." seryosong bati ni Ariel na nginiwian ko lang.
"Hello, ariel. H'wag kang masiyadong tumitig sa'kin ha? Baka may magselos." parinig ko pa kay marie na agad akong binitawan at ngumuso nalang na parang bata.