Chapter 2: Pussycat

7.7K 243 67
                                    

Natapos ang first day of school ko na meju di naman ganon ka tense. Almost 7PM na ako nakauwi kagabi na dahilan upang bardagulin na naman ako ni Nanay, paano ba naman kase di muna pinakinggan ang explanation ko. At yun nga mga mare, pinaayus ko lang naman yung helmet ko sa repair shop di kalayuan sa kanto. Buti na lang di na ako pinagbayad ni Kuya Ponse e, strap lang naman daw yung pinalit niya dun sa helmet ko.

Meju maluwag yung first day ko pero aaminin ko di din ganon ka ganda dahil nga sa professor ko na kala mo pinagkaitan sa buhay.

Kaya eto ako ngayon mga mare, himala ang aga ko magising, di ko din alam kung baket basta nagising na lang ako na walang nambulabog sa kwarto ko.

6 AM pa lang nong bumaba ako ng hagdan at oo kit maaga akong magising mas maaga magising yan si Mother Earth.

Nakita ko naman eto sa kusina na nagwawalis kaya agad ko etong dinamba.

"Hi, Nay! Wassup!"

"Ano ba Alexa umalis ka nga diyan, di ka na bata para lumambitin pa sa leeg ko"

"Pero baby mo pa din ako mwehihihi"

"Kumain ka na dun at maligo, di ka na naman kumain kagabe, dios mio"

"Okie dokie"

Oh gulat kayo no? Mabait naman talaga yang tigre na yan paminsan minsan. I love annoying her always because seeing her being annoyed is what makes me feel alive everyday. I can't live without her. Minsan lang kami naglalambingan at mas lamang ang bardagulan pero siya lang ang meron ako kaya di pupuwedeng di neto makita yung achievements ko. Matanda na si Nanay kaya I will do everything to make her proud.

You'll see Nay, I promise.

"Nga pala nak, tumawag sila Ma'am may pinapautos saken dun sa hacienda nila sa Iloilo, sa biyernes ng umaga ako aalis siguro mga lunes andito na din ako"

Bigla naman akong napasimangot e paano na yan ilang araw na naman ako netong mag uulam ng de lata.

"Basta Nay may pasalubong"

"Maglinis ka ng bahay at diligan mo yung mga bulaklak ko tsaka ko na pag isipan kung bilhan kita pasalubong"

Nagpapadyak na lang akong tumungo sa lamesa at kumain.

At dahil nga maaga akong nagising kaya maaga din akong nakarating ng school. Gaya nang ginawa ko kahapon, kay Kuya Guard ko na lang din uli inihabilin ang bike ko, sinabihan ko pa nga siya na kapag nawala or may mangyare sa bebe ko pasasabugin ko bahay niya at yun nga tawa lang sinukli niya.

Feel ko talaga nasa good mood ako today.

7 AM pa lang makapunta nga ng canteen.

Hmm ano kaya yung bibilhin ko? Feel ko nagkicrave ako ng something kaso di ko mapoint out e

Nakapasok na ako ng canteen at ganon na lang ang pag ngiti ko kase naman onti lang yung mga nandidito di katulad kahapon nong naglunch kami ni CJ. Apakadameng studyante agawan pa ng table. Pero dahil parang feel ko VIP etong si CJ aba may nag offer ng table kaya ayun matiwasay kaming kumain except sa kung paano akong nanlumo buong maghapon sa kakaisip sa nangyare sa canteen.

Flashback

"Baby, ano gusto mo kainin maliban saken? Ako na mag oorder"

Aba public talaga CJ?

Di ko yata kayang sumama dito lagi sa babaeng eto lagi na lang center of attention kami. Tulad neto lahat ng tingin nasa amin na.

Landian ba talaga gusto mo CJ baka Alexandra to!

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon