Chapter 19: Game Bet

5.6K 207 35
                                    

"Nak, pakisuyo naman ako total magkasama naman kayu lagi ni Alexandra. Baka kasi makalimutan na naman ng batang iyan uminom nang gamot sa tanghali at pakibantay na din at baka kumain na naman nang kung ano ano na bawal sa kanya..."

"Ah sige po Nay, ako na pong bahala"

"Pinabaunan ko na yan ng pangtanghalian niya, simula ngayon di na yan kakain dun sa canteen niyu.."

"Ahh sige po.."

"Alexandra! Yung mga sinabe ko wag na wag mong palusutin lang sa kabilang tenga mo't wala tayung panggastos pa tuwing magkakasakit ka...mabuti na lang at natulungan ka kagad ni CJ, wag na wag mong kalimutan magpasalamat dun at baka kung di dahil sa kanya tigok ka na.."

Ang OA mo naman Nay.

Sabagay need ko magsalamat kay Mareng CJ. Buti na lang naagapan talaga't nadala niya ako kagad sa clinic namin kahapon at di pa nakontento e dinala ako sa hospital nila. Bonggahan ang lola niyu may ari pala ng hospital. Sabagay ako din naman di pakakabog. Nagmamay ari kaya ako ng Earth tas siya nagmamay ari ng puso ko ayieee! Boom kiligin ka sana 🥴

Hayss gusto ko na siya makita 😭

Teka ba't ang lubha naman ng crush ko sa kanya, di naman ganto sa mga ibang crush ko ah!

"Alexandra nakikinig ka ba?!"

As a matter of fact, yes Nay. Pag siya, why noirttt! Yes na yes kagad.

Pero.... hayss may fiancé na pala siya. Wala na kong pag asa #singleforever #sadgirl

"Alexandra!!"

Haayyyss!

"Opo, Nay!"

"Ayusin mo desisyun sa buhay mong bata ka, aatakihin ako sa puso sa di oras dahil sayu.."

"Nay baka malate na po kami, alis na kami.."

"Aba't parang kanina ka pa atat na atat na umalis ah di ka pa nga nakapagsuklay nang buhok mo.."

"Magsusuklay naman ako dun sa school e!"

Di na ako pinakinggan pa ni Nanay at sinunggaban na kagad ang buhok ko ng suklay. Parang matatanggal na ang anit ko sa pagsuklay niya e. Sige mother kalbuhin mo na lang kaya ako no?

After ng sangkadamakmak na habilin ni Nanay ay sa wakas nakaalis na kami ni Justin.

Habang sa highway kami ay nakaramdam ako nang inip, ba't ang bagal naman nento ni Justin magpatakbo ng motor niya? Sarap kurutin sa tagiliran!

After nang almost isang oras ay nakarating na din kami sa school. Agad kaming bumaba sa motor pagkatapos kaming mainspect ng guard sa gate. Agad kong kinuha ang helmet sa ulo ko at inayus ang buhok kong meju gumulo. Ganon din si Justin. Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad papuntang room namin. Pinagtitinginan na naman kami ng ibang mga estudyante na nasa parking lot at sa hallway na dinadaanan namin. Nong una meju nakakailang nga e pero nasanay na din kami. Nagsimula lang naman to nong nag uniform na kaming lahat at nakikisakay ako kay Justin.

Pero wait! Gagi ano kayang itsura ko, baka pumangit na ako? Dala ko lipstick ni Nanay na sinalisi ko kanina sa kwarto niya kanina e. Makalagay nga muna.

"Tin, daan muna tayu sa CR saglit, antayin mo lang ko sa labas. Saglit lang ako promise mga 2 minutes.."

Tinapunan lang ako neto nang tingin at mukhang umagree naman siya kaya kumaripas na ako sa daan papuntang CR habang siya ay nakasunod sakin.

I need to look pretty! Oh my gosh di pwedeng papangit ako. Madami pa naman nagkacrush sa kanya, pero at least ako yung pinakamaganda.

Agad kong nilagay ang lipstick sa backpack ko at ngnitian ang sarili sa salamin pagkatapos kong lagyan ang labi ko.

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon