Chapter 16: Run!

4.5K 172 27
                                    

Matapos namin idaan ang kambal sa bahay ay dumiretsu na kami kagad ni Justin sa sementeryo kung saan nakalibing ang kapatid netong babae. Hapon na din kase at baka hanapin na yung kambal ng mama nila.

Dumaan din muna kami sa bahay nila Justin upang kumuha ng mga pagkain na handa para sa birthday ng kapatid neto at dalhin sa sementeryo.

Ako ang tagabitbit ng mga dala namin habang siya naman ang nagdadrive ng motor. Gusto ko sana kulitin eto kaso mukhang kanina pa to tahimik simula nong umalis kami ng SM. Parang ang lalim ng iniisip.

Pagkababa namin sa tapat ng sementeryo ay agad kaming pumasok sa loob. Iniwan lang din namin ang motor niya sa tapat ng gate ng sementeryo kung saan nandun din ang tagabantay ng sementeryo. Caretaker ata tawag dun.

Buntot nang buntot lang ako kay Justin habang dinadaanan namin ang mga puntod. Bitbit na niya lahat ng dala namin pwera na lang sa paperbag na laman ng gift niya sa kapatid neto na ako ang nagdadala.

After ng ilang minutong paglalakad ay huminto na din kami sa tapat ng isang puntod na napaligiran ng mga tanim na bulaklak at berdeng halaman.

Nilapag ni Justin lahat ng dala namin at nag umpisang ilapag ang mat at inayus ang mga dalang pagkain. Sinenyasan naman ako netong umupo nang mapagtantong nanunuod lang ako sa mga kilos neto.

Somehow I can feel how heavy he feels inside. I can't even mutter a word because I know exactly how it feels when you lose someone.

"Ba't kanina ka pa tahimik? Takot ka?"

"Di ah!" Sagot ko nang mag umpisang magsalita eto. Ramdam din siguro neto ang panananahimik ko.

"Here she is.." turo neto sa lapida.

SELENA T. MOLINO
Beloved Daughter and Sister
Born: July 28, 2003
Died: February 14, 2020

I saw how he forcely smile as if he is not struggling inside. I've never seen such a distant person like him act this way in front of me and it feels like he wanted someone to talk to.

Unfortunately, I'm a dumbass stupid who can't even say the right words.

"H-hi Selena...h-how are you?"

Alexandra umayos ka! You dumbass shit patay na nga yung tao kamustahin mo pa baka mainis yan at bumangon na lang bigla.

"I-I mean...nice to meet you. I'm Alexandra.."

Ramdam ko ang simoy ng malamig na hangin dahil sa biglaang katahimikan na naman. Di na kasi nagsalita pa si Justin at nakatitig lang sa kawalan kaya ako naman ay eto nagbibilang ng mga puntod. Ang tahimik naman dito, sarap siguro matulog dito.

Mayamaya pa'y naramdaman kong gumalaw si Justin at tiningnan ko etong parang may kinuha sa bulsa at may nilabas na picture galing sa wallet neto.

Umusog ako sa pwesto neto at nakitingin sa litrato ng isang napakagandang babae na nakangiti habang sa likuran neto ay si Justin na seryusong nakatitig lang sa camera.

"Is that her?" tanong ko dito na ikinatango naman niya.

"She's beautiful.." hangang sambit ko habang nakatitig dito.

"...ba't ka kasi di nakangiti dito? Pogi ka nga di naman marunong ngumiti.." pagbibiro ko na ikinatawa naman niya nang bahagya kaya napatawa na din ako.

"You remind me of her.." seryusong sambit neto habang binubuksan na ang paperbag kung saan nakalagay ang regalo neto. Naks ako pumili non, kaya Selena if nanunuod ka man magparamdam ka, di joke lang pala baka ayaw mo nong gift e.

"Because I'm pretty too?" nakangiting sagot ko habang nilabas na neto ang gift at binuksan.

"Nah you're both stubborn and a headache.."

The Billionaire's Daughter [ProfxStud • GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon