PROLOGUE

14.2K 202 15
                                    

+++

Sa loob ng nakalipas na isang linggo ay mas lalo kong nakilala si Winter, mas lalong gumaan yung loob ko, mas lalo akong naging komportableng kasama siya.

Pero naw-weirdohan ako kasi di naman ganito yung pakiramdam pag si Kelly yung kasama ko, di naman ako kinakabahan pag hinahawakan ni Kelly yung kamay ko, pag nagdidikit balat namin, pag tinititigan niya ako, pag inaakbayan niya ako o pag niyayakap niya ako.

Pero pagdating kay Winter, kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan, lalo pag hahalikan niya ako sa noo, nararamdaman ko na parang may mga paro-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko.

Ang weird kasi as far as I know, I'm straight, like totally straight. This is not right. Argh! Ang weird.

"Hey, Yale? Are you alright?", bigla akong bumalik sa reyalidad nang magsalita si Winter na kararating lang.

"S–sorry nalate ako, naghintay ka pa tuloy", dagdag niya at agad akong bineso at ito nanaman kinakabahan nanaman ako.

"A–ah okay lang ako", nginitian ko siya, umupo na din siya sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Sorry talaga ha, traffic kasi e. Uhm um-order ka na ba?", ngumiti ako at umiling.

Ewan ko ba, nung una naman di ako nahihiya sakanya, pero nitong mga nakaraang araw, bigla akong natatameme, yung tipong di ako makapagsalita, sobrang weird talaga, ano bang nangyayari saakin?

Hays.

+++

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon