CHAPTER 8

2.2K 79 22
                                    

Yale's

"No Dad, Winter dun ka na sa kwarto ko matulog", pansin ko na nabigla siya sa sinabi ko, pero ayaw ko naman na magtiis siya dun sa guest room na sira yung aircon.

Kahit na sabihin niyang ayos lang yon sakanya, alam kong hindi kasi anak mayaman siya, so for sure na di siya sanay mainitan.

"Sigurado ka Sweetheart?", Daddy asked.

"Yes po Dad", agad kong sagot kasabay non ang pagbalik ni Mom dito saamin.

"Oh? Ano ng pinag-uusapan niyo?", tanong nito.

"Ahm, sa room ko na lang po matutulog si Winter, Mom", ngumiti naman siya.

"Oh mabuti pa nga, osige na mga Iha, papahinga na kami, kayo din ha. Winter, feel at home, okay?", baling nya sa katabi ko at nagpatango tango naman ang huli habang nakangiti.

Nagpaalam na din si Dad kaya nagpunta na sila sa room nila.

"Let's go?", pagyayaya ko kay Winter nang kami nalang dalawa ang nandito sa living room, ngumiti naman sya at tumango

Nandito na kami ngayon sa kwarto, agad niyang nilapag yung sling bag niya sa sofa-bed doon.

"Ahm dito na ako matulog Yale", sambit nito, napakunot naman noo ko.

"Ayaw mo ba ako katabi?", may halong pagbibirong tanong ko pero di'ko na siya hinintay sumagot.

"Ahm teka lang maghalfbath lang ako, ikaw din after ko, para presko ka matulog", sabi ko sabay papasok na sana ako sa banyo.

"P-pero wala akong dalang damit Yale", pag aalangan niya kaya ngumiti ako.

"May extrang gamit dun sa guest room, para yun sa mga bisita in case na wala silang dalang gamit, pwede mong gamitin yun", sagot ko naman.

Lahat ng guest room may ganon, always ready lang, hehe.

"A-ah ganon ba? S-sige kukunin ko na muna", sabi nito pero pinigil ko siya.

"Ako na Winter, habang nagshoshower ka, papakuha ko nalang", tumango lang sya at ngumiti.

Pagkatapos ko ay sumunod naman na sya, lumabas ako ng kwarto para tawagin si Ate Lincel pero diko sya makita, kaya ako nalang ang kumuha ng mga gamit sa guest room.

Pagkabalik ko sa kwarto ay tapos na si Winter nagshower.

"Here oh, bihis kana", kinuha niya naman pero nakatitig lang siya saakin.

"W-why? May problema ba? Ayaw mo ba ng design or what?", pagtataka ko.

"A-ahm h-hindi kaba lalabas habang nagbibihis ako?", tanong nito, di'ko naman naiwasang matawa sa sinabi niya.

"Ano ka ba Winter? Di naman kita sisilipan eh kasi kung anong meron ka, meron din ako nyan", pansin kong napakamot sya sa batok niya at naiiling iling pa.

"S-sa cr na lang ako magbibihis", agad siyang pumasok sa cr. Hay nako Winter.

Pabagsak akong naupo sa kama at tinignan yung wrist watch ko, 8:42pm na pala.

Kinuha ko muna phone ko at nagbrowse sa social media, maya-maya lang ay lumabas na si Winter sa cr at agad na nagtungo sa sofa-bed.

"Mahihirapan ka matulog dyan Winter, masyado kang matangkad, dito ka na sa tabi ko", nginitian ko siya sabay tinatapik yung kama sa tabi ko.

"S-sige", humiga naman siya kaagad sa tabi ko

"Ahm Yale? Paano nga pala bukas, wala akong dalang uniform", nilingon ko siya na nakatingin lang sa kisame.

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon