EPILOGUE

4.2K 89 9
                                    

+++

Sobrang sama ng loob ko kay Clarisse, sinundan niya pala kami nung araw na sinurprise ko si Yale para sa 1st Monthsary namin.

Siya ang nagsumbong kay Mom at Dad, kaya tinawagan ni Dad si Tito Larry, kaya naman pala maaga silang umuwi.

Pero okay na din yun, wala na rin naman akong magagawa kasi nangyari na.

Nandito kami ngayon sa airport, hinatid namin si Clarisse, babalik na sya sa States, wala naman na siyang magagawa pa, lalo na ngayon, legal na kami ni Yale.

Di'ko pa din malimutan yung nangyari kagabi, balak na talaga naming magtanan ni Yale HAHAHAHA oo ah, lahat gagawin ko talaga, makasama ko lang siya.

Akala ko nga paghihiwalayin nanaman kami, pero hindi. Tinanggap na nila kami kaya sobrang saya ko.

"Winter anak? Di ka na ba bababa ng sasakyan?", tanong sakin ni Mommy.

Nasa baba na si Clarisse, nakatingin lang siya saakin.

"H-hindi na Mom, ahm ingat ka Clarisse", sabi ko na lang.

Ilang sandali lang ay bumalik na sila dito sa sasakyan.

Papunta na kami ngayon sa bahay nila Yale para sunduin sila.

Mabilis lang ang biyahe kaya nakarating kami kaagad.

Sa sikat na Korean Restaurant namin piniling kumain.

Habang hinihintay namin yung order ay nagkukwentuhan lang ang mga parents namin.

Hinawakan ko ang kamay ni Yale na nasa ibabaw ng lap niya kaya napatingin siya saakin.

Nginitian ko siya at sinabing, "I love you Yale", agad kong napansin ang pamumula niya.

"I love you too", sagot naman nito kaya kinuha ko kamay niya at hinalikan iyon.

"Honey tignan mo yung anak mo, kinikilig pa", panunukso ni Mommy nang makita akong nakangiti.

Nagtawanan sila, tss pinagtatawanan nila ako, kasalanan ko ba na nakakakilig 'tong si Yale, ksksss

Tsaka sobrang saya ko lang, lalo ngayon na at nakapagbonding pa kami kasama mga parents namin, official na talaga kami.

Nagpaalam saglit si Tito Larry kasi may tumawag sa phone niya, mukhang importante.

"After natin kumain saan niyo gustong pumunta?", tanong ni Mommy.

"Sa Amusement Park!", agad na sagot ko.

Maya-maya ay bumalik na si Tito Larry at nakangiti ito ng abot tenga.

"Lauren anak? May surprise ako sayo", sambit nito kaya napakunot noo si Yale.

"What is it Dad?", tanong niya.

May sinenyasan naman si Tito Larry sa may pinto, parang may pinapapasok ito kaya lahat kami ay napalingon doon, may dalawang lalakeng naglalakad papunta sa pwesto namin.

Pamilyar saakin yung isa lalake, parang siya yung...

"KUYAAA!", agad na sambit ni Yale at patakbong sinalubong yung lalake.

Tama ako, siya nga si Kuya Ian ng girlfriend ko.

Baka boyfriend nito yung kasama niya, ang pogi nila pareho.

Naupo na sila ng boyfriend niya sa tabi ng Mommy at Daddy ni Yale.

Nasa tapat namin sila, nasa kaliwa ko si Yale at sa kanan naman si Mom at Dad.

Syempre nagbatian na sila tapos beso-beso ganun.

"Hi Winter, mas maganda ka sa personal", baling ni Kuya Ian saakin.

"Ay thank you po Kuya", sagot ko naman, sanay naman na ako sa ganyang compliments pero bigla akong nahiya, hehe.

"It's nice to finally meet you", inilahad niya yung kamay niya kaya agad ko din iyong inabot.

Pagkatapos ay dumating na yung order namin at nagsimula na kaming kumain.

Pumunta na din kami sa Amusement Park at nag enjoy lang.

Sobrang saya, sobrang sarap sa pakiramdam.

Wala ng kailangan pang itago, malayang malaya na kami ni Yale.

Ipinapangako ko na hinding hindi ko siya sasaktan, hinding hindi ko siya pakakawalan at hinding hindi ko na hahayaang mawala pa siya saakin.

"Mahal na mahal kita Yale", sambit ko habang naghuhugas siya ng kamay, nandito kami ngayon sa CR.

Tinignan niya ako sa repleksyon ko sa salamin, ngumiti siya ng napakatamis at saka humarap saakin.

"Mahal na mahal na mahal rin kita Winter", sagot niya kaya di'ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng CR at hawak-hawak ko ang kamay niya.

Papunta na kami sa parking lot, uuwi na kasi kami.

Social Media Influencer ako kaya pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin.

Wala akong dapat ikahiya dahil pinagmamalaki ko pa na may girlfriend akong kagaya ni Yale.

Huminto ako sa paglalakad kaya napatingin saakin siya saakin nang may pagtataka.

"Anong problema?", tanong nito.

Pero hindi ako sumagot, ngumiti lang ako, hinawakan ko siya sa bewang at hinatak siya palapit saakin at hinalikan ko siya sa labi.

Halata na nagulat siya sa ginawa ko, pero agad din niyang ipinulupot ang mga braso niya sa batok ko.

Alam kong pinagtitinginan kami ngayon at may mga kumukuha pa ng litrato pero wala akong pakialam

Gusto ko kasi na malaman ng lahat na may Lauren Yale sa buhay ko, si Yale na mahal na mahal ko at hindi na namin kailangan pa na maging secret lovers.

Ilang sandal pa ay humiwalay ako para hawakan siya sa magkabila niyang pisngi, ngumiti ako ng matamis at diretso siyang tinitigan sa mga mata.

"No matter how many years may pass, I will keep on falling in love with you. Lauren Yale, you are everything that I desire for in life and I promise to love you all my life", sabi ko na ikinangiti niya kaya kinuha ko yung kamay niya at hinalikan iyon.

Mas dumadami na din ang mga tao sa paligid at kanya-kanya silang kuha ng litrato at video saamin.

"You are the most gorgeous, lovely, cute, beautiful, dazzling, sensuous and stunning woman in my eyes. You are my everything and you are just too perfect for me", lumapit ako at ikinuskos ang ilong ko sa ilong niya kaya narinig ko naman ang giggles niya.

"The more were spending time with each other, the more I'm falling in love with you. Hinding hindi kita iiwan mahal ko. I knew it from the very beginning of our story, I knew that it's you I've been waiting for all of my life", I kissed her again kasabay ng tilian ng mga tao sa paligid.

Kaya nang muli akong humiwalay ay agad ko na siyang niyakap nang mahigpit.

Life was like a deadly storm until her love saved me. I was drowning in despair but now Im floating in heaven.

Lauren Yale Alegre, my love, my girlfriend, my bestfriend and my best girl.

I promise to love her more than she loves me.

I love you so much my Lauren Yale.

+++

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon