CHAPTER 6

2.3K 95 19
                                    

Winter's

Puro tawanan at kwentuhan lang kami habang nagmemeryenda, diko naman maiwasang titigan si Yale, mas gumaganda siya pag tumatawa eh.

Pansin ko din yung nakakalokong ngiti ni Kelly na para bang 'ikaw ha, pasimple ka ha' parang ganon HAHAHAHA.

Masaya kami hanggang sa kinailangan na naming umuwi, tinext ko na driver ko para magpasundo, dumating naman siya agad, nandito na kami ngayon sa may gate nila Yale.

"Bes, sabi ko kasi sa driver ko na ihahatid mo'ko pauwi eh", wika ni Kelly.

"Ahm, ako na Kelly, sabay ka na sakin, di dapat mapagod 'tong Yale eh", sabay inakbayan ko si Yale.

"Aysusss, kailangan umakbay?", nakakalokong tanong ni Kelly kaya natawa ako.

"Sige, sabay na ako sayo, salamat", nakangiti namang dagdag niya.

"Ingatan mo 'tong kaibigan ko Winter ha", bilin ni Yale.

"Oo naman, gusto mo pati ikaw alagaan ko?", pansin ko agad ang pamumula ng pisngi niya kasabay non ang pag iwas niya ng tingin saakin.

"Halaaa bes, yung hair mo ang haba, naaapakan ko na oh", umaarte pa si Kelly na inaalis sa paa niya yung buhok ni Yale, binatukan tuloy siya ng huli.

"Sira ka talaga Bes", saka kami nagtawanan.

"Oh tama na yan, we'll go ahead Yale, pagaling ka ha", sabi ko at kiniss ko siya sa pisngi.

Halata naman ang pagkabigla niya kaya nginitian ko siya.

"Aray!", biglang sigaw ni Kelly.

"Why bes?", pag aalala ni Yale.

"Ahm andami kasing langgam bes, kinagat ako", sagot nito kaya natawa naman ako.

Nakatanggap nanaman tuloy siya ng batok mula kay Yale HAHAHAHA.

"Aray ha, tara na nga Winter, baka magkabukol na ako", sabay kapit niya sa braso ko.

"Heh! Mabuti pa nga umuwi kana, kung anu-ano sinasabi mo eh. Oy mag ingat kayo ha", bilin niya ni Yale.

Pinagbuksan ko naman ng pinto ng kotse si Kelly sa backseat, "Thank you", sambit nito kaya nginitian ko naman siya.

Lumipat ako sa kabilang pinto, tumingin muna ako kay Yale na kumakaway, nginitian ko siya at kinindatan bago sumakay ng sasakyan, hihi.

"San po tayo Ma'am?", tanong ni Kuya Cris.

"Ahm hatid po natin 'tong kaklase ko", nagpatango tango naman siya, sinabi na din ni Kelly yung address nila.

"Ang laki ng ngiti mo ah", napatingin ako sa katabi ko, naalala ko kasi yung mga kalokohan namin kanina eh.

"Ahm, may naalala lang ako, hehe", sagot ko, ngumiti naman siya ng nakakaloko.

"Sus, kaaalis lang natin naalala mo na agad siya", sabi nito kaya napapailing na lang ako.

"Kamusta si Yale bilang kaibigan?", I asked, ngumiti naman siya.

"Napakabait niya, mapagkumbaba, mabilis maawa basta almost perfect, siya yung klase ng babaeng hindi dapat sinasaktan", sagot nito kaya napatango-tango naman ako.

"Bakit mo natanong?", tanong niya.

"Nothing, ahm I just want to know her more", sagot ko kaya napapailing iling naman siya.

"Why?", natatawa ako sa mga pinaggagagawa niya eh.

"Can I ask you something Winter?", napakunot naman ako ng noo.

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon