CHAPTER 7

2.5K 94 27
                                    

Yale's

Maaga akong nagising at maagang nagpahatid sa driver ko, pagbaba ko ng kotse ay pansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante.

Anong meron? Hala! Baka alam na nila yung ginawa sakin ni Ben. Binilisan ko ang paglalakad at nakayuko lang ako, naiilang ako sa mga tingin nila, hindi ako sanay.

"Bes!", rinig kong pagtawag sakin ni Kelly na nasa tambayan namin palagi, yung garden sa pinakagitna ng school ground, malawak kasi 'tong school, meron pang kasing lawak ng soccer field sa likod ng main building.

Doon naman ginaganap mga sports tuwing Intrams.

"Bes bilisan mo naman, para kang naglalakad sa buwan", reklamo niya, nahihiya kasi ako, feeling ko nasa akin yung attention ng lahat, hays.

"Oy bes, nakita mo na ba 'to ha?", sabay abot sakin ng phone niya, pagkatingin ko ay halos mapanganga ako.

"B-bakit 'to?", nagshrug lang siya ng balikat niya.

Nagpost kasi si Winter sa IG niya ng picture ko na may caption na...

"She's cute, right?"

Sa tingin ko ay kahapon 'to, pinicturan niya ako habang nakahiga ako at nagcecellphone.

Binasa ko mga comments, puro positive naman lahat, napapangiti na lang ako, kaya pala ako pinagtitinginan kanina.

Nagulat naman ako nang biglang sundutin ni Kelly yung tagiliran ko.

"Ayun oh, viral si ate ghorl", panunukso niya kaya natawa ako, binigay ko na sakanya phone niya at naupo sa tabi niya. Maraming bench dito pero itong nakatapat sa gate ang pinupwestuhan naman palagi.

Nagcellphone nalang din muna ako.

"Bes ano nga palang balita? Nasabi mo na sa Dad mo?", huminga ako ng malalim bago ikwento sakanya lahat.

"Eh bes? Bakit di'ka pumayag na ipaDSWD yung gagong 'yon?", inis na tanong nito, grabe naman siya makagago.

"Naaawa kasi ako Bes eh", pansin ko ang pagbuntong hininga niya at pagiling-iling.

"Hay naku bes, ang bait mo sobra, dapat sayo bigyan ng award eh", natawa naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko kasi alam kung naiinis ba siya o nagbibiro, inirapan niya pa naman ako. Hala ansunget naman. Pinisil-pisil ko naman yung pisngi niya.

"Meron ka ba ngayon ha?", pang aasar ko, kaya mas lalo siyang nainis.

"Oh bes, umuusok na ilong mo", dagdag ko HAHAHAHAHA asar na siya lalo.

Aasarin ko pa sana siya pero napatingin kami pareho sa gate nang magtilian yung mga estudyante.

"Bes sa tingin ko andyan na yung Juliet mo", nagsalubong naman yung mga kilay ko.

"Juliet?", tanong ko kaya natawa siya.

"Oo, diba break na kayo ng Romeo mo, kaya si Juliet naman", sagot niya kaya binatukan ko siya.

"Sira, kung anu-anong sinasabi mo", natawa lang siya.

"Oh ayan na Bes, papunta na dito", sabi pa nito, agad akong napatingin sa gate at nakita ko agad si Winter na naglalakad papunta sa direksyon namin.

Bumilis bigla yung tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit, pero yun yung nararamdaman ko.

"See you make you way through the crowd, you say hello♪", pagkanta ni Kelly.

"Little that I know, that you were Juliet you were throwing♪", tumigil siya sa pagkanta nang batukan ko nanaman siya.

"Nakakadalawa kana Bes ha!", reklamo niya. Dzuh, kasalanan niya naman eh.

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon