FINAL CHAPTER

2.6K 73 9
                                    

Yale's

Kung anu-anong masasakit na salita ang narinig ko mula kay Dad.

At isa sa pinakamasakit na sinabi niya sakin ay isa daw akong malaking kahihiyan sa pamilya namin.

Pagkatapos niya akong pagsalitaan ng kung anu-ano ay pumasok ako dito sa kwarto.

Lumapit ako sa pader kung saan nakadikit yung Letter Balloons na 'Happy 1st Monthsary', at mga pictures namin.

Isa-isa kong tinignan ang mga yun at umiiyak na lang ako.

"Mahal na mahal kita Winter, di'ko kaya na mawala ka sakin", sambit ko at napaupo na lang sa kama kasi pakiramdam ko ay mahihimatay ako ano mang oras.

Sobrang nanghihina na ako dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon.

Naisip ko na tawagan si Winter, kukunin ko na sana yung phone ko nang pumasok si Dad sa kwarto ko

"Give me your phone", inilahad nya kamay niya sa harap ko.

"P-pero-"

"I said give it to me!", sabay hinablot niya yung phone ko.

Kinuha niya din yung laptop ko at mga bagay na pwede kong magamit para makausap si Winter.

"From now on, hindi ka lalabas ng bahay, hindi ka pwedeng gumamit ng cellphone o ng kahit anong pwede mong magamit para makausap yung Rich na yun..."

"...hindi ka na rin muna papasok sa school, kasi alam ko na magkikita kayo, napagdesisyunan namin ng Mommy mo na maghire nalang ng personal teacher para dito ka nalang sa bahay mag aaral..."

"...hindi ko hahayaan na magkaroon ako ng anak na kagaya mo, gumaya ka pa talaga sa Kuya mo, mga wala kayong utang na loob, ayusin mo ang sarili mo Yale! Magpakatino ka!", hinawakan niya ako sa baba at iwinaksi kaya napahiga ako sa kama dahil sa lakas ng pagkakawaksi niya.

Umiiyak lang ako, paano na? Ano ng gagawin ko?

Narinig ko na ang pagsara ni Dad ng pinto, ibig sabihin lumabas na siya.

Sinusuntok suntok ko nalang yung kama, sobrang sakit. Bakit kailangan na maging ganito kami ni Winter?

Ang hirap.

Dahil sa sobrang pag iyak ko ay nakatulog ako.

+++

August 27, ngayon na ang ikatlong araw simula nung nangyare yung araw na yun at hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakausap si Winter.

Sobrang miss na miss ko na siya.

Hindi na rin ako lumalabas ng kwarto ko, yung personal teacher ko nalang ang pumapasok dito.

Wala rin akong ganang mag aral, nahihirapan akong magfocus.

Gabi-gabing pumupunta dito si Dad para lang bulyawan ako.

Paulit ulit niyang sinasabi na ayusin ko ang sarili ko, na tumino ako.

Isinusumbat nya rin saakin yung mga scores ko kapag magququiz kami ng teacher ko, ang baba kasi ng score ko.

Nahihirapan kasi talaga akong magfocus.

4:34pm na at kanina pa ako umiiyak, sobrang pagod na ako, minsan naiisip ko na tapusin na lang buhay ko.

Pero iniisip ko pa din yung pamilya ko, mga kaibigan ko at lalo na si Winter. Mahal na mahal ko siya, higit pa sa buhay ko.

Hindi ko man lang alam kung ano na ang kalagayan niya ngayon.

Grounded din ba siya? Kinukulong rin kaya siya sa kwarto niya?

Hindi ko kasi alam, gusto kong humingi ng tulong kay Kelly para siya ang magbabalita saakin kung kamusta na si Winter

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon