CHAPTER 11

1.7K 67 9
                                    

Yale's

Sinusubukan kong iwasan si Winter kasi ito lang yung naiisip kong paraan para pigilan yung feelings ko.

Pero sa tuwing tatanungin niya ako kung ano problema, naririnig ko sa boses niya yung pag aalala.

At parang gusto ko na bawiin yung plano kong iwasan siya. Ayoko rin kasi na nalulungkot siya.

I was about to say sorry pero may tumawag sakanya at si Kylie yon. Nakakawalang gana nanaman.

Pagdating namin sa school ay agad na akong bumaba ng sasakyan, nakita ko naman kaagad si Cyrill.

Lumapit siya saakin at niyakap ako, "Hello, goodmorning Yale!", masayang bati niya at binati ko din siya.

"So kamusta? Nakapag-usap ba kayo?", tanong niya kaya napatingin ako kay Winter.

Nakakapit nanaman si Kylie sa braso niya, huminga ako ng malalim saka pilit na ngumiti.

"Hindi kami nakapag-usap, tara doon tayo sa may upuan", pagyaya ko at kumapit ako sa braso niya.

"Kwentuhan mo'ko, ano palang nangyare nung iniwan ko kayo sa hallway?", umiling ako.

"Wala, di'ko kasi alam paano sasabihin sakanya eh", pansin ko naman ang paghinga niya ng malalim

"Hays, ayos lang yan. Basta pag may problema, nandito lang ako. Okay?", tumingin ako sakanya na nakangiti sakin kaya nagsmile din ako.

"Salamat Cyrill", buti may kagaya niya sa Music Club, akala ko kasi magiging mag-isa nalang ako kapag si Winter at Kylie ang magkasama eh.

"Ramdam ko na may problema ka, kaya patatawanin kita", ngumiti naman ako.

"Talaga? Sige nga Cyrill", she cleared her throat at nag unat unat pa HAHAHAHAHA kala mo naman kung may big activity na gagawin.

Nagjoke siya at patok naman sakin kaya tawang tawa ako, in fairness napasaya niya ako.

"Okay guys! Kompleto na tayo! Tara na!", lahat kami ay napalingon kay Mr. Clemente na nakatayo na ngayon sa pinto ng Bus na nirentahan para sakyan naming lahat.

Tumayo si Cyrill at inilahad palad niya, "Tara?", agad ko naman yung kinuha. Ngumiti ako at tumango.

Sandali muna akong napatingin kay Winter na nakatingin pala saamin ni Cyrill. Magkasalubong kilay niya, at parang naiinis. Anong problema niya?

Sa pinakalikod kami pumwesto ni Cyrill.

"Kelan mo balak sabihin sakanya?", napatingin ako sa katabi ko, nakatitig lang siya sakin.

"Sa tingin ko, wala akong dapat aminin sakanya Cyrill", napansin ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin?", huminga ako ng malalim.

"Hangga't maaga pa, pipigilan ko", diretsong sagot ko.

"Bakit?", nagtataka pa din siya. Kaya naman sinabi ko yung sitwasyon ko. Kinwento ko yung about sa Kuya Ian ko. At naintindihan naman niya kaagad.

"Sabagay, mahirap kasi talaga kapag hindi open minded yung magulang, buti sakin tanggap nila", napatitig ako sakanya.

"Tanggap na alin?", pagtataka ko. Nginitian naman niya ako.

"Tanggap nila na bisexual ako"

Bisexual? Si Cyrill?

"Ano yun?", tanong ko. Kaya natawa siya.

"Hindi mo alam?", natatawa pa din siya.

"Hindi kasi siya familiar sa pandinig ko eh", siguro nga narinig ko na sya dati pero ano ba kasi yon?

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon