CHAPTER 10

1.9K 79 20
                                    

Winter's

"Salamat po sa inyong lahat, sa pakikicooperate nyo at sa pagbibigay nyo ng best nyo para maging successful ang programa..."

"...palakpakan nyo ang inyong mga sarili", yan ang sinabi ko nang tawagin ako ni Mr. Clemente sa harap para magbigay ng message sa mga Music Club Members.

"Ahm excuse lang, punta lang ako ng Comfort Room", paalam ko.

Susundan ko si Yale, lumabas kasi siya at alam kong sa CR siya pumunta.

"I'll go with you", masayang sambit ni Kylie at kumapit pa sa braso ko.

"No Kylie, kaya ko naman mag isa, dito ka nalang at makisaya muna sakanila", pagpipigil ko sakanya na sumama sakin.

Napansin ko kasi nitong mga nakaraang araw, kapag nasa tabi ko si Kylie, parang nawawala sa mood si Yale.

Nagseselos ba siya? Tsk, malabo. Bakit naman siya magseselos? Hay nako, naiiling nalang ako sa mga naiisip ko.

"S-sige, bumalik ka agad ha", tinanguan ko lang si Kylie at lumabas na ako.

Nakita ko naman si Kelly na kalalabas lang sa CR.

"Hey Kelly, nasa loob ba si Yale?", agad niya akong nilingon.

At ngitian na para bang may ibig sabihin pero di'ko mawari kung ano

"Hey Winter, Congrats satin naging maayos yung Program", sabi nito at tinapik-tapik niya ako sa balikat, bakit ang layo ata ng sagot niya sa tanong ko? Hays.

"A-ah oo, congrats. Tinatanong ko kung nasa loob ba si Yale?", nginitian niya naman ako.

"Kung anong sinasabi niyan, yun yung paniwalaan mo", tinusok tusok niya yung dibdib sa tapat ng puso ko, nakakapagpasalubong ng kilay yung sinasabi niya.

"H-ha? What are you talking about?", I asked, ngumiti nanaman siya at umiling pa.

"Wala, sabi ko pumasok kana, nasa loob siya. Sige na, I'll go ahead", isang tapik sa balikat ang iniwan niya bago siya umalis.

Huminga na muna ako ng malalim bago ko pinihit yung doorknob.

Agad kong nakita si Yale na nakaupo sa sahig at nakahawak sa ulo niya, masama ba pakiramdam niya?

Agad ko siyang nilapitan at kinapa yung noo niya, baka nilalagnat siya.

"Yale? Are you okay?", pansin ko na nagulat siya kaya agad siyang tumayo.

"O-oo naman, ayos lang ako. Anong ginagawa mo dito?"

Pero bakit ganon? Kahit narinig ko na mula sakanya na ayos lang siya, iba pa din yung pakiramdam ko. Feeling ko hindi siya okay.

Tumayo ako at lumapit sakanya.

"Sigurado ka ba?", hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi para magtapat yung tingin namin pero umiiwas siya.

"O-oo naman", pansin ko na napapakagat siya ng labi niya.

Shit Belle, wag mong gawin yan sa harap ko, please lang. Baka di'ko mapigilan yung sarili kong halikan ka.

Agad akong pumikit at lumayo ng bahagya sakanya, baka kasi magawa ko yung bagay na hindi naman dapat at yun pa ang maging dahilan para masira yung pagkakaibigan namin at yun yung ayaw kong mangyare.

"Okay fine, kung okay ka naman pala, tara na balik na tayo sa Music Room", ngumiti naman siya saakin at tumango.

Nginitian ko din siya at hinawakan siya sa kamay, napansin ko na nagulat siya sa ginawa ko kaya tinignan ko siya at nginitian.

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon