CHAPTER 1

7.9K 158 85
                                    

Yale's

"Uy, Yale! Oh ano naniniwala ka na ba sakin ha?", sigaw sakin ng bestfriend kong si Kelly pagkatapos niyang ipakita sa akin ang picture sa cellphone nya, nasa larawan na 'yon ang boyfriend ko, kasama ang sinasabi niya sa aking girlbestfriend niya.

"Nako, Bes, ganiyan lang talaga si Ben, sweet lang talaga siya, lalo na diyan sa girlbestfriend niya, siyempre magkababata nga sila kaya ganiyan sila kaclose", sagot ko naman, ayaw ko kasing isipin na may iba si Ben, kasi mahal niya ako at hindi nya ako lolokohin.

"Arayyy!", angal ko nang makatanggap ako ng isang malakas na batok mula sa bestfriend ko.

"Tanga lang, Bes? Hanggang kailan ka ba magbubulag-bulagan? Hindi na normal yung ginagawa niya, Bes. Ikaw yung girlfriend, pero yung Irene na yon ang pinagkakamalang girlfriend ng boyfriend mo dahil sa sweetness nung dalawa", singhal niya sa akin.

"Oh sige nga, sa tuwing may lakad kayong dalawa nung Irene na yon, sinong sinasamahan ni Ben?", iritadong tanong ni Kelly, napayuko na lang ako.

"S-si Irene", halos bulong nalang akong nakasagot, kasi may point naman talaga siya.

"Kapag nagkasakit ka at saktong may sakit din yung Irene na yon, sinong pinupuntahan ni Ben?", tanong pa nya at nakapamewang pa.

"Si I-Irene pa din", napapabuntong-hininga nalang ako sa mga sinasabi ng bestfriend ko. Hays, kahit naman kasi ganun si Ben, alam kong mahal niya ako.

"Hay nako, Bes, amina nga yang phone ko!", sabay hablot sa cellphone nya.

"Tignan mo oh, sa tingin mo ba magkaibigan lang sila? Bes, lips to lips sila oh! Ano ka ba?", sambit niya at halos maduling naman ako nang itapat niya sa mukha ko yung picture sa cellphone niya. I sighed bago nagsalita.

"Oo na, kakausapin ko na si Ben about diyan"

Hays, sobrang mahal ko si Ben, kaya hindi ko iniisip na ipagpapalit niya ako.

"Hayaan mo, Bes, andito lang ako para sayo, sasamahan kita, ayaw ko kasing ginaganyian-ganiyan ka eh", medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nang yakapin ako ng bestfriend ko.

"Salamat, Bes ha", napapangiti naman ako.

"Wala yun, Bes, ano ka ba?", natawa na lang kami pareho.

Maya-maya pa ay nagkakagulo na yung ilang estudyante sa may gate ng school at yung iba pa ay nagmamadali na magtungo doon, kaya nagkakatinginan nalang kami ni Kelly dahil sa pagtataka.

"Anong meron?", sambit niya at saka naunang naglakad patungo sa gate.

"Hoy, Bes! Wait mo ako!", tumakbo ako para mahabol siya.

Pagdating namin sa gate ay halos mabingi ako sa tilian ng mga estudyante. Ano bang meron? May artista ba?

Pero hindi na namin pa nasilip ni Kelly ang pinagkakaguluhan sa may gate kasi nag time na at need na naming pumasok sa first subject namin.

"Tara na, Bes, baka malate tayo!", sabay hila niya sakin papunta sa room namin. Agad naman kaming nakarating sa room.

"Bes, punta lang akong cr, naiihi ako", paalam ko kay Kelly kasi kanina pa ako nagpipigil.

"Samahan na kita, Bes", akma na siyang tatayo pero pinigilan ko siya.

"Hindi na, Bes, bantayan mo nalang yang uupuan ko, kasi balita ko maraming transferees ngayong school year kaya sure na magkakaubusan ng upuan, ayaw ko namang pumunta ng bodega at kumuha ng upuan don", sunod-sunod na tango naman ang naging tugon niya.

"Oo na sige na, bilisan mo ah", tumango lang ako at naglakad-takbo na. Nang makarating ako sa cr ay halos pumutok na yung pantog ko kasi andaming tao, huhu, ang haba pa ng pila.

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon