CHAPTER 19

2K 56 28
                                    

Winter's

Maaga akong nagising, dahan-dahan akong tumayo para hindi magising si Clarisse.

6:30 am na ako nakaligo kasi nagbreakfast pa ako.

Hindi ko na muna imemessage si Yale, para kunwari wala talaga akong alam na special ngayong araw na 'to

Tinext ko na agad si Kelly.

+++

[Messages]

Kelly

Goodmorning,
what's up?

Naliligo na si Yale.
Nakasimangot nga e,
excited sya nag online
kanina tapos nalungkot
kasi wala ka man lang
greetings sakanya.

Nakuu, huhu mamaya
naman babawi ako
sakanya.

Sige sige, text text na
lang mamaya, nagbibihis
na si Belle e. Ako naman
maliligo

+++

Hindi ko na siya nireplyan.

Si Jasmine naman tinext ko.

+++

[Messages]

Jasmine

Hi Jas, godmorning.
San na kayo ni Kylie?

Hello, papunta na ako
sa bahay nila Kylie,
para sabay na kami
pupunta sainyo.

Ah sige sige,
ingat kayo.

+++

Di na siya nagreply kaya tumayo na ako para kunin yung susi kay Kuya Cris nang biglang lumabas si Mom ng room nila ni Dad.

"Oh? Ang aga mo naman", lumapit ako sakanya para ibeso siya.

"Oo Mom eh, kailangan ko na umalis may shooting kasi kami para sa project", pagpapalusot ko, sana naman gumana.

"Hmm ganon ba? Kumain kana ba?", ngumiti ako, buti na lang naniwala.

"Yes Mom, tapos na, where's Dad?", tanong ko.

"Maaga syang umalis, may emergency daw sa trabaho niya. Susunod nga ako doon maya-maya"

"Ganun po ba? Sige po ingat kayo, alis na po ako", di ko na narinig pa yung sasabihin niya, lumabas na ako ng bahay.

'Pero ang hindi alam ni Winter na may pagdududa ang Mommy niya sakanya. Paglabas niya ng pinto ay ang saktong paglabas din ni Clarisse sa kwarto niya, lumapit siya sa Mommy ni Winter at may inutos ito kay Clarisse'

Kinuha ko na muna yung susi kay Kuya Cris at sumakay na ng sasakyan.

Nagtext naman si Kylie na papunta na daw sila dito, nag taxi daw sila kaya hinintay ko na muna sila

Dumating din naman sila kaagad.

Ang plano kasi ay mauuna kami nila Jasmine at Kylie sa bahay nila Yale, sasalubungin siya ng mga kaibigan ko habang ako ay nasa kwarto na at hinihintay sya.

Tinext ko na muna si Kelly.

+++

[Messages]

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon