CHAPTER 3

3.4K 114 42
                                    

Yale's

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Na saan ako? Napansin ko din na may oxygen na nakasuot sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero walang tao, sa tingin ko ay nasa clinic ako. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Winter.

"Thank God, you're awake", agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Ang bango niya.

Nagsmile naman ako pero ang sakit ng labi ko. "Ah!", agad namang kumalas si
Winter sa pagkakayakap sa akin.

"Why? Napahigpit ba ang pagkakayakap ko sayo?", umiling ako.

"H-hindi, ansakit kasi ng labi ko", hinawakan niya ako sa pisngi.

"Wag ka na muna masyadong magsalita, okay, gusto mo ba i-kiss ko para hindi na sumakit?", nahampas ko siya sa balikat nang wala sa oras.

"Aray! HAHAHA bakit?", natatawa pa talaga siya sa mga kalokohang pinagsasabi niya.

"Yale, ano bang nangyari? Sino yung lalaking yun?", napasinghap ako nang maalala ko yung nangyari kanina.

Oo nga pala, kaya nga pala ako nandito ngayon.

"Hey, Yale? Bakit ka umiiyak?", shit, umiiyak na naman pala ako.

"I-ikaw ba ang nagdala sa akin dito? Paano mo ako nahanap?", seryoso niya akong tinitigan, bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Nasa library kami ng mga kaibigan ko kanina, pupunta dapat akong comfort room pero may narinig akong sumisigaw sa likod ng building at nabosesan ko na ikaw yun kaya di ako nagdalawang-isip na puntahan yon..."

"...sakto pa may nakita akong piraso ng kahoy, tapos ayun nakita kita at yung lalaki, hinampas ko siya tapos yun nawalan siya ng malay", hinawakan niya ako sa kamay.

"Now tell me, sino ba yun?", mukhang desidido siyang alamin kung sino ba si Ben, oo nga pala.

"Si Ben? Na saan siya?", agad siyang bumitaw sa pagkakahawak niya ng kamay ko nang may muling nagbukas ng pinto.

"Bes!", agad na lumapit si Kelly at niyakap ako.

"Anong nangyari, Bes?! Anong ginawa niya sayo?!", pinupunasan niya luha ko gamit ang mga palad niya.

"Tinawagan na ba parents mo?", shit, hindi dapat 'to malaman ni Mommy at Daddy.

"W–winter? Anong sinabi mo sa mga nurse?", baling ko sa kaniya na puno ngayon ng pagtataka.

"S-sinabi ko yung nakita ko", shit.

"Si Ben, na saan?", nagsalubong ang mga kilay niya sa tanong ko.

"Who's Ben?", oo nga pala di pala niya kilala.

"Si Ben, yung boyfriend niya at si Ben, yung lalaking gumawa sa kanya nito", singit ni Kelly sa usapan namin.

"M-may boyfriend ka pala..." napakunot-noo ako, sandali siyang tumigil sa pagsasalita.

"...pagkatapos kitang dalhin dito, sinabi ko sa mga nurse yung nakita ko, pagkatapos sinabi ko na naiwan si Ben na walang malay dun sa likod ng Library, pinuntahan siya ng ilang nurse tapos sinama nila yung guard, hindi ko alam kung saan nila siya dinala", huminga ako ng malalim, kapag nalaman 'to ng mga magulang ko, sigurado akong gagawin nila ang lahat mapaalis lang si Ben sa School na 'to.

Kilala ang magulang ko sa pagiging maimpluwensyang negosyante.

"Winter, salamat sa lahat, pero pwede bang iwan mo muna kami ni Kelly, mag-uusap lang kami", pansin ko ang pilit niyang pagngiti.

"S-sure, balik na ako sa room, baka nags-start na yung next subject, ako na ang bahalang magsabi sa kung sino man ang teacher natin ngayon kung bakit hindi ka makakaattend sa klase niya, magpahinga ka, ha", nagulat ako nang halikan niya ako sa ulo.

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon