CHAPTER 18

1.7K 59 10
                                    

Yale's

Excited pa naman ako magsimba kasi ito yung unang simba namin as couple pero may epal.

Tsk, mas malala pa kay Kylie kung makakapit sa girlfriend ko.

Sino ba kasi yun? Bakit ngayon ko lang sya nakita.

Hays.

"Baby wait", huminto ako sa paglalakad at nilingon si Winter na tumatakbo palapit sakin.

"Oh? Bakit sumunod ka? Dun kana sa Clarisse mo", iritadong sambit ko tsaka naglakad ulit pero pumunta siya sa harap ko para tumigil ako.

"Eh ikaw gusto ko kasama eh", nakangiti niyang sagot

Nakuu, wag mo'kong daanin sa mga ganyan ganyan mo ha, marupok ako.

Inirapan ko siya para na din mapigilan yung kilig ko.

"Tsk, tigilan mo'ko ha, uwi na ako", marahan ko sya itinulak para tumabi siya sa dinadaanan ko pero hinawakan nya kamay ko at hinila ako.

"Ano ba? San mo'ko dadalhin?", naiinis na tanong ko, tsk.

"Sa simbahan, papakasalan na kita", sagot nya habang nakatalikod sakin.

I bit my lower lip para pigilan yung kilig ko, kahit na pabiro lang yun nakakakilig pa din pag si Winter yung nagsabi.

"Tss, pakasalan mo mukha mo", pag iinarte ko.

Syempre magpapabebe pa din ako noh.

"Sungit sungit mo baby, halikan kita dyan eh", sambit niya kaya ngumiti ako.

Di niya naman nakikita kasi nakatalikod siya saakin, nauuna sya maglakad eh habang hawak niya yung kamay ko.

"Ba't di mo gawin?", seryosong saad ko at pinipigilan na ngumiti.

Huminto naman siya sa paglalakad at nilingon ako.

"Gusto mo ba?", nakangiti niyang tanong kaya umiwas ako ng tingin.

"Tse", pagtataray ko at nauna ng maglakad pero nagulat ako nang bigla nya akong hilahin palapit sakanya at agad na hinalikan sa labi.

"Kala mo ba di'ko gagawin?", may halong paghahamon na tono nya.

"Baliw ka! Paano kung may makakita?"

Nagpalingon lingon pa ako sa paligid, buti nalang walang masyadong tao, hays.

"Nakita ko namang walang masyadong tao, kaya chill okay?"

I bit my lower lip para pigilan yung kilig ko, iniisip ko kasi kaya niya akong halikan sa public place, ksksss.

Naglakad na kami, nandito kami ngayon sa fast food restaurant.

Hinihintay ko sya kasi umorder pa sya.

Sino kaya yung Clarisse na yun?

Mamaya ko na siya tatanungin.

"Hi baby, oh kain kana", umupo na siya sa tapat ko habang inaayos yung inorder nya.

She ordered my favorite! Coke McFloat, Fries and Sundae.

Dahil gusto ko yung inorder niya ay kumain na ako.

"Nga pala, sino ba yung kasama mo kanina?", natigilan siya sa gagawin niya sanang pagsubo.

"S-si Clarisse", sagot nya kaya napakunot noo ako.

"Oo, alam ko na pangalan niya. Ang gusto kong malaman ay anong relasyon niya sayo", paglilinaw ko na lang at napapakamot sa ulo ko.

"Hey! Miss Famous, Hi Yale!", napalingon kami bigla sa nagsalita.

It's You I've Been Waiting For Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon