~[Sapphire's POV]~
Prinsesa! May tawag ka! Prinsesa---
Sinagot ko na agad. Nakakatawa yung boses ni Doraemon ei.
"Yoboseyo?"tanong ko. Di ko alam kung matatawa o hindi. [Yoboseyo? = Hello?]
"Yah! Guemanhe" natawa ako sa sinabi niya. Nakakatawa talaga. Akala ko pa naman sisigawan niya ako. Ang hinahon ng boses niya. [Guemanhe = Stop it]
"Haha. Nagkaayos na ba kayo?" Tumawa siya bigla. Ay abno. Sarap batukan. Pasalamat siya at katawag ko lang siya ngayon. Kung hindi. Naku!! Baka putol na yung ulo niya.
"Oo. Ayos na kami. Kaya lang.. "nagtaka ako. Ba't di niya pinatuloy? Di kaya may misunderstanding pa rin sila? Di ko mahula ei. Di kaya ako manghuhula para manghula.
"Kaya ano?" Matagal siyang natahimik. Narinig ko pa ngang bumuntong-hininga siya ei. Ano kayang problema ngayon ni Rea ngayon? Kung meron man, gusto ko siyang damayan.
"Ah.. wala haha. Um wait! Punta tayo ng Mall " magsasalit na sana ako pero pinigilan niya ako. "Don't worry napaalam na kita kay Domi. Sige na please. " hay.. tatanggi pa ba ako? Sige na nga.
"Sige"
"Pumunta ka na sa Mall. Maghintay ka dun sa store na may nakalagay na 'Jaycee's Store' okay?" Saan yun . Bahala na nga. Basta makapunta ako dun.
"Sige. Punta agad ako. Bye"at binaba ko na ang phone. Pumunta ako sa kwarto ko tsaka naghanap ako ng susuotin. At nung nakahanap na ako. Syempre, simple lang yung suot ko . Naka pantalon ako tsaka T-shirt. Yun lang.
Pagkatapos kung magbihis. Lumabas na ako sa kwarto. At nakita kong kakalabas lang din ni Master.
"Oh saan ka pupunta?" Akala ko ba pinagpaalam na ako ni Rea. Pero bakit parang hindi naman.
"Sa Mall"tipid kong sagot. Paano kung di ako nito papuntahin? Lagot ako kay Rea. Ay hindi pala, si Rea ang lagot sa'kin."Napagpaalam na naman niya ako sayo diba?" Tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot. Ayun naman pala ei. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Bakit?"tanong ko. Nakatingin pa din sa'kin. Ay hindi nakatingin pala sa katawan ko. Napatingin naman ako sa katawan ko. Wala namang mali ah. "Bakit? Huy!"ulit ko. Natauhan naman siya kaya umiwas siya ng tingin.
"Wala. Ang ganda mo lang sa suot mo kasi simple" di ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Ang weird niya ah.
"Talaga? Salamat ah "sabi ko. Nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Di ko alam pero parang si Master ang may Gawa nun. Napangiti niya kaya ako? Kung hindi, bakit napapangiti ako kahit sa simpleng salita lang niya?
Hindi ata siya ang weird sa'min ei. Kundi ako. Napapansin ko na din na ang weird ng kinikilos ko kapag kasama ko siya.
"Sige na umalis ka na. Kapag tumatagal ,.pumapanget ka sa paningin ko.
Ouch. Teka? Bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso? Bakit parang nalungkot ako? Nagalit? Hay ang weird ko na talaga. Di ko alam kung ano to.
Fast Forward
Nandito na ako sa sinabi ni Rea na 'Jaycee's Store'. Ang gaganda ng mga damit dito . Ang gaganda ng designs. Gandang ganda ako. Parang gusto ko tuloy bilhin lahat. Pero di naman ako sigurado na kahit isa dyan ei kakasya sa'kin. Mas bagay yang mga damit na yan sa mga magaganda.
"Sap!"
"Oy! Ang tagal mo ah!"reklamo ko. Kahit ngayon lang ako. Ang laki ng ngiti niya. Ano kayang balak ng babaeng to?
BINABASA MO ANG
V's Slave [BTS Fanfic]
Fanfiction[COMPLETED] [UNEDITED] Bata palang si Sapphire Young nang mawalan siya ng ama. Nalulong ang ama niya sa utang kung kaya't sila ng kanyang ina ang sinisingil ngayon. Simple at matiwasay na buhay lang naman ang gusto ni Sapphire. Hindi niya inaasah...