~[Sapphire's POV]~
Nagulat ako sa tanong niya. Totohanin? Wtf!
"Ha?"sabi ko.
"Biro lang. Hindi natin gagawin yun"sabi niya sabay tawa. Inirapan ko lang siya. Sh!t. Hindi magandang biro yun ah.
"Sapphire?!"nakarinig kami ng sigaw ni Master kaya lumabas kami. Paglabas namin, nakita ko si Prince na putikan. Nang makita niya kami. Niyakap niya agad ako. "Salamat at nahanap na kita. Hindi ko kaya ng wala ka"sabi niya.
Sa sinabi niyang yun. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I dunno why. Humarap na siya sa'kin.
"Okay lang ako Prince. Hindi naman ako pinabayaan ni Dominic"sabi ko sabay ngiti. Niyakap niya ulit ako. Nang kumalas ulit kami, pumasok na kami sa bahay.
"Salamat at hindi mo pinabayaan si Sapphire Dominic"sabi ni Prince kay Dominic.
"Wala yun. Obligasyon ko yun bilang manliligaw niya"sabi naman ni Dominic.
"Kailangan na nating bumalik Sapphire. Alalang alala na si Tita sayo"sabi niya sa'kin.
"Pero paano sila nanay at tatay? Hindi kami pwedeng umalis ng hindi pa nagpapasalamat"sabi ko. Balang araw, babawi ako kina nanay at tatay.
"Wag kang mag-alala. Nakita ko sila kanina. At nakapag-pasalamat na ako sa kanila"sabi niya sabay ngiti. Tinignan ko si Dominic. Naka ngiti din siya.
"Makaka uwi na tayo"sabi ko sa kanya at nginitian siya. Ngumiti din siya pero may iba sa ngiti niya. Yung bang parang pilit na ngiti.
.
Makalipas ang ilang minuto ay napagpasyahan na naming maglakad pabalik. Hawak hawak ni Dominic ang kamay ko. Kanina pa nga ako nakukuryente na kinikilig na ewan ei. Napansin kong humihigpit ang pagkakahawak ni Dominic sa kamay ko kaya huminto ako at hinarap siya.
"May problema ba?"tanong ko. Nakikita ko sa mga mata niya na may problema siya. Hinawakan ko yung mukha niya.
"Paano kung ilayo ka ni Tita sa'kin?"tanong niya pabalik. Paano na nga ba?
"Wag kang mag-alala. Kung mangyayari man yun, lalaban tayo "sagot ko. Pinapagaan ko ang loob niya pero nakakaramdam pa din ako ng bigat.
Tumango siya at hinalikan ang noo ko. Bawal pa sa Lips ha? BAWAL! Alam kong hindi niya pa magagawa yun dahil manliligaw ko pa palang siya.
Pero paano kapag pinaglayo kami ni mama? Manliligaw ko pa rin ba siya?
Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Habang magkahawak kamay.
.
Nakarating na kami kung saan nandoon sila mama. Agad akong niyakap ni mama. Alam kong naga-alala siya pero sana huwag niya kaming paglayuin ni Dominic nang dahil lang sa nawala kami.
"Mama okay lang po ako"sabi ko. Hinila ako ni mama kaya napalayo ako kay Dominic at nabitiwan ko ang kamay niya.
"Anak, pwede bang iwasan mo na si Dominic?"tanong niya ng diretso. Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi ko.
"Ma? Bakit po?"tanong ko pabalik. Parang akong maiiyak.
"Kasi kapag kasama mo siya, napapahamak ka"sagot niya. Ngayon niya pa ba sasabihin yan na pinayagan na niya si Domi na ligawan ako. Unbelievable.
"Ma, hindi pwede"sabi ko. Hindi niya ako pwedeng ilayo kay Domi.
"Anak, para sayo to"sabi niya. Tumango nalang ako pero hindi ibig sabihin nun na hindi na ako makikipagkita kay Dominic. Makikipagkita pa rin ako pero sa lihim lang.
BINABASA MO ANG
V's Slave [BTS Fanfic]
Hayran Kurgu[COMPLETED] [UNEDITED] Bata palang si Sapphire Young nang mawalan siya ng ama. Nalulong ang ama niya sa utang kung kaya't sila ng kanyang ina ang sinisingil ngayon. Simple at matiwasay na buhay lang naman ang gusto ni Sapphire. Hindi niya inaasah...