~[Sapphire's POV]~
Ang saya ko ngayon kasi nagover night kami ngayon sa falls na to. Katabi ko si Master. Nakangiting aso pa siya. Tss. Umupo na ang lahat at humarap sa fire. Nagulat nalang ako kasi tumayo si Master at tinignan si Mama.
"Tita?"tawag ni Master kay mama. Napalingon naman si mama sa kanya. Kaming lahat nakatingin kay Master na kasalukuyang nakatayo at nakatingin kay mama.
"Bakit, hijo?"tanong ni mama sa kanya. Kinakabahan ako. Ano kayang sasabihin niya at bakit kay mama pa. Pwede namang i share sa'min ah.
"Papayagan niyo po ba akong ligawan si Sapphire?"tanong niya kay Mama. O-O Nanlaki naman yung mga mata ko. Ang sarap pakinggan na binabanggit niya ang pangalan ko. Parang hindi nakakasawa.
Napatingin naman si Mama sa'kin at ngumiti.
"O sige hijo. Payag ako"sagot ni Mama. O-O. Nanlaki na naman yung mata ko. Di ko akalain na ganun lang kadaling sabihin ni mama yun. Napaghandaan niya na ba to?
Nag-bow si Master kay Mama. Di ko alam kung anong meron kami. Ano nga bang meron kami? Eh nagkaalaman lang naman kami ng nga nararamdaman. Tapos ligaw agad.
"Salamat po, tita. Pangako ko po. Kapag dumating yung araw na magiging kami, hinding hindi ko siya sasaktan"sabi ni Master. Ewan ko pero biglang uminit yung pisngi ko. Don't tell me that I'm blushing?
Inilahad ni Master yung kamay niya, yun bang parang niyayaya ka niyang sumayaw. Kinuha ko yun at pinatayo niya ako. Gosh. Ngayon ko lang nahawakan yung malambot niyang kamay.
Nang makatayo na kaming dalawa. Humarap siya kay mama kaya napaharap din ako. Nahagip ng mata ko si Prince. Wala siyang expression. Blanko yung mukha niya. Alam kong nasasaktan siya.
"Tita, pwede bang hiramin ko muna si Sapphire?"tanong ni Master kay mama. Bakit? Saan niya ba ako dadalhin?
"Bakit hijo? Saan kayo pupunta?"tanong ni mama pabalik. Nagsimula akong kabahan. Saan niya nga ba ako dadalhin?
"May ipapakita lang po ako sa kanya"sabi ni Master. At ano naman yun?
"Okay sige. Ibalik mo ang anak ko ah"sabi naman ni mama. Pinandilatan ko si Mama. Tumango lang siya.
Inilahad ni Master ang kamay niya, inabot ko naman yun at nagsimula na kaming maglakad palayo. Hindi pa man kami nakakalayo. Tinignan ko si Prince. Blanko pa rin ang isip niya. Alam kong nasaktan ko siya pero talagang gusto ko lang siya bilang kaibigan. Hanggang dun nalang yun.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang kabahan at matakot. Bakit? Kasi madilim tsaka nakakatakot kasi parang may multo o aswang na nakatingin.
Nagulat ako kasi hinawakan ni Master yung kamay ko. Napatingin ako sa kanya.
"Wag kang mag-alala. Nandito lang ako, hindi kita iiwan" he said that so meaningful to me. Napansin kong umiinit ang pisngi ko. Ngumiti nalang ako. Kapag natatakot ako, humihigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
Habang naglalakad kami napatigil si Master. Pumunta siya sa likod ko at tinakpan ang mga mata ko.
"Teka, baka madapa ako master"sabi ko.
"Wag kang mag-alala. Hindi kita pababayaan"sabi niya. Ramdam ko yung mainit niyang hininga sa tenga ko kaya kinilabutan ako. Naglakad na kami ulit pero this time may takip na ang mga mata ko.
.
.
"Open them up"sabi ni Master. So it means nandito na kami sa pupuntahan namin? San na kaya kami napadpad? Unti unti kong minulat ang mata ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
V's Slave [BTS Fanfic]
Fanfic[COMPLETED] [UNEDITED] Bata palang si Sapphire Young nang mawalan siya ng ama. Nalulong ang ama niya sa utang kung kaya't sila ng kanyang ina ang sinisingil ngayon. Simple at matiwasay na buhay lang naman ang gusto ni Sapphire. Hindi niya inaasah...