♥Lost with him

1K 34 0
                                    

~[Prince's POV]~

Kailangan kong makausap si Sapphire. Kailangan kong linawin yung nararamdaman ko para sa kanya.

Pumunta ako sa kwarto kung saan nandun si Sapphire at ang mama niya. Kumatok muna ako. Bumukas yung pinto at nakita ko ang mama ni Sapphire na kagigising lang at kinukusot kusot pa ang mata.

"Oh, hijo. Anong kailangan mo?"tanong niya sa'kin. Ngayon ko lang napansin na magkamukha sila ni Sapphire.

"Nandyan po ba si Sapphire? Gusto ko lang po siyang makausap"sabi ko.

"Ha? Ei hindi pa siya nakakauwi simula kagabi. Silang dalawa ni Dominic"sagot niya. Nagsimula na akong kabahan. Baka kung ano nang ginawa ni Domi sa kanya.

Kapag may ginawa siya kay Sapphire, susuntukin ko talaga siya kahit na bestfriend ko pa siya. Hindi lang suntok, bugbog na. Pero nako-konsensya ako kasi bubugbogin ko siya. Bestfriend ko pa din siya , simula bata. Tss. Hindi na magbabago yun. Kahit na magka-grupo kami at mag-bestfriend. Kapatid na rin ang turing ko sa kanya, sa kanila.

"Po? Hindi po ba nag text sa inyo?"tanong ko. Di ko maalis sa puso ko ang pag aalala. Syempre, gusto ko siya kaya nag aalala ako. Pumasok siya para kunin yung cellphone niya.

"Wala ei. Baka dun na sila natulog sa pinuntahan nila"sagot niya. Masama ang kutob ko rito.

"Hanapin nalang po natin sila. Masama po ang kutob ko na may nangyaring masama sa kanila"sabi ko. Tumango lang yung mama ni Sapphire at lumabas na sa kwarto. Ako naman , ginising ko ang Army.

"Oh, bakit? Ang aga pa ei"sabi ni Bryan. Tss. Ang sarap untugin ng mga to. Hindi nakakatulong ei.

"Ano ba kayo! Babangon kayo o iuuntog ko yang mga ulo niyo para magising kayo!"sigaw ko. Napabangon naman si Jared na parang nananaginip.

"Oo na Tss"-Justin

"Di ka naman siguro nagmamadali diba?"-Mark

"Five minutes"- Ryan.

"Sh!t! Babangon kayo o hindi?!" Di na ako nakapigil. Ang tatamad ng mga to. Ang hirap gisingin. Lalo na to si Ryan. Parating nagsasabi ng 10 minutes. Kapag ginising '5 minutes' . Kapag ginising ulit '1 minutes'.  Tss. "Alam niyo ang tatanda niyo Na tapos para pa kayong teenager kung kumilos"dagdag kong sabi.

"Ikaw lang"sabay nilang sabi. Natahimik ako. Tama nga sila, ako lang ang matanda sa kanila. Tss. Bakit ba di ko naisip na sasabihin nila yun? Tss.

"Bumangon na kayo ah. Hahanapin natin si Dominic at Sapphire. Kagabi pa sila hindi umuuwi"sabi ko at lumabas na sa kwarto nila.  

"Tita, natawagan niyo na po ba?"tanong ko. Nakita ko si Tita na tina-try na tawagan si Sapphire.

"Walang signal yung phone niya ei. Ikaw kaya tawagan mo si Dominic"sabi niya. Sinunod ko naman siya. Kinuha ko sa kwarto yung bag ko at tinawagan si Domi.

Dialling... Taehyung V (Domi) ...

The number you have dialed is out of coverage area . Please try your call later.

Sh!t! Nasan na ba kasi kayo Domi.? Nag aalala na ako sa inyo ni Sapphire. Binalikan ko si Tita, nandito na rin sina Rea at Myka. Mabuti nalang at maayos na si Myka. Umiiyak kasi siya kagabi, di ko alam kung bakit.

"Tita, natawagan niyo na ba?"tanong ko. Umiling lang si Tita at patuloy na tinatawagan si Sapphire. Si Rea at Myka ay sinusubukan ding tawagan si Sapphire.

"Uy! Sapphire! Nasan ba kayo?"narinig kong sabi ni Rea. Napatingin kaming lahat sa kanya at nagsilapitan kami. Niloud-speak niya yung phone niya para marinig namin.

["Ewan ko kung nasaan kami. Nawawala na kami ei"]sabi ni Sapphire sa phone. "Master, dun po tayo oh"dinig kong sabi ni Sapphire kay Dominic.

Kilala ko si Dominic. Siya yung tipong lalaki na hindi hahayaan ang mga taong mahal niya. Hindi pababayaan. Kaya may tiwala ako sa kanya.

["Nandito kami sa isang kubo na butas butas. Puntahan niyo na kami dito"]sabi ni Sapphire. Alam ko yun dun ah!

"Ako na ang pupunta"sabi ko. Kung tinatanong nito kung paano ko alam ang lugar na yun. Dun din kami napunta ni Cheska noon nung naligaw kami dito. Kaya ayaw ko dito ei. Kasi may alaala kami dito. Tss.

Tumakbo na ako para puntahan sina Domi.

~[Sapphire's PoV]~

Gabi na pero wala paring dumadating para tulongan kami. Hays. At ang malala pa dun. Nandito kami sa isang butas butas na bahay. Tsaka umuulan pa. Tss. Kung minamalas ka nga naman oh, nilalamig pa ako. Napapikit nalang ako dahil sa lamig.

Nagulat nalang ako ng may naramdaman akong kumot sa balikat ko. Pagkakita ko, jacket pala to ni Master. Kinuha ko yun at inabot sa kanya.

"Sayo na to Master. May jacket naman ako kaya lang basa na"sabi ko. Inabot niya ito at nilagay na naman sa balikat ko. Tss ang kulit. Hinayaan ko nalang siya. Nung humina na yung ulan, nagsimula na kaming maglakad ulit.

Habang naglalakad kami, may nakasalubong kaming matandang lalaki. Kaya humingi agad kami ng tulong sa kanya.

"Manong. Manong tulong po"sabi ko. Napahinto naman sa paglalakad si manong at lumapit sa'min.

"Oh mga anak. Sumama nalang kayo sa'kin"sabi niya. Sumunod nalang kami. Kailangan ko ng makalabas sa lugar na to.

Dinala kami ni Manong sa isang kubo. Malaki laki rin tong kubo na to. Sinalubong naman kami ng matandang babae at pinapasok kami sa bahay nila.

"Mag-jowa ba kayo mga anak?"tanong ng matandang lalaki. Nagkatinginan na muna kami ni Master.

"Ahm. Nililigaw ko pa po siya"sagot ni Master. Dumating na yung matandang babae na may dalang mga damit.

"Oh eto mga anak, magsibihis na kayo kasi basang basa kayo"sabi ng matandang babae. "Ako pala si Ferlinda, tawagin niyo lang akong Nanay ha?"tumango lang kami. Ang bait niya. "Eto naman si Felix, tawagin niyo lang siyang tatay"dagdag niyang sabi.

Tumayo na ako at pumunta sa kabilang kwarto .

"Magbibihis po muna ako"sabi ko. Natatawa ako sa sarili ko kasi para akong nanay sa suot ko. Paglabas ko ay yun din ang paglabas ni Master sa kabila.

"Pfffftttt. Hahaha"tawa ko. Nakakatawa siya sa suot niya. Bwaha.

"Anong nakakatawa?"tanong niya. Napahinto tuloy ako. Parang galit na ang dragon ei.

"Wala. Ang hot mo"sabi ko. What?! Nasabi ko bang hot siya? Hot?! Wtf! Napatingin ako sa harap at nakita kong nakangiti si Nanay at Tatay sa'min. Nakakahiya tuloy. Feeling ko namumula na ako sa hiya.

"Haha. Ganyang ganyan din kami dati"sabi ni Nanay. Argh! Nakakahiya.

Itutuloy.... 

---

[A/N: Don't forget to click the vote. And comment]

#LostWithHim

Up Next

♥:Lost With Him (Part 2)

V's Slave [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon