♥Lost with him (Part 2)

1K 25 3
                                    

~[Sapphire's POV]~

Nakakahiya na to ah. Nakita pa kami ni Nanay at Tatay . Natauhan kami at napatigil.

"Halina kayo. Magsikain na tayo"yaya ni Nanay. Kumain na kami. Nagkamay kaming tatlo. Si Master naman naka kutsara at tinidor. Ang yaman talaga.

"Huy! Magkamay ka naman"sabi ko.

"Eh hindi nga ako marunong"sabi niya. Napatingin na naman ako kay Nanay at Tatay. Nakangiti na naman sila sa'min.

"Alam niyo bang may mga naligaw din dito at dito din sila nakitulog sa'min. Para nga silang kayo ei, aso't pusa"Sabi ni Nanay. Hindi nalang kami umimik . Nakakahiya talaga. Nang matapos na akong kumain. Napag isip-isipan kong lumabas at magpahangin. Tumila na naman yung ulan ei.

Umupo ako sa kahoy na upuan sa gilid. Pinagmasdan ko ang mga bituin. Ang ganda nilang tingnan dito kasi ang lawak lawak at makikita mo talaga lahat.

"Wag kang mag-alala. Uuwi na tayo bukas"naglingon ko sa nagsalita, si Master. Kanina pa ba siya dyan? "Ang ganda nilang tingnan noh! Kumikislap. Alam mo ba nung nagkadikit tayo sa labasan ng sinehan, yan ang nakita ko sa paligid. Mga bituin na kumikislap"dagdag niyang sabi. Napangiti naman ako dun. Ganun din yung naging feeling ko nung nagkadikit kami. At nag slow motion pa ang paligid nun.

Medyo nilalamig na ako kaya papasok na ako. Brrr.

"Oh papasok ka na?"tanong ni Master sa'kin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Ngumiti lang siya sa'kin at ibinalik ang tingin sa kalangitan. Tuluyan na akong pumasok. Nilalamig ako. Kaya nagkumot ako at humiga.

"Whoo"mahinang sabi ko. Ang init ng hininga ko at nanginginig na ako sa lamig. Sobrang lamig ngayon. Bakit ba malamig ei tumila na nga yung ulan? Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto na tinutuluyan ko ngayon. Hindi ako tumingin, pinikit ko nalang yung mga mata ko. May naramdaman akong palad sa noo ko.

"Sapphire, bakit ang init mo?"tanong niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko si Master na nag-aalala. "Dyan ka lang, babalik ako"sabi niya at lumabas siya.

.

Bumalik siya na may dalang basin na may lamang tubig. Nilagay niya yung sa maliit na lamesa at kumuha siya ng towel sa kabinet. Inalalayan niya akong umupo. Nilalamig pa din ako kahit na pinupunasan na niya ako.

Pagkatapos niya akong punasan. Nahiga na ako. Ngunit nilalamig pa rin ako. Hanggang kailan ba mawawala tong lamig na to? Nakakainis. Naramdaman kong tumabi si Master sa'kin at niyakap ako. Ang init niya kaya alam kong mababawasan nito ang lamig sa katawan ko.

Humarap ako sa kanya at niyakap ko na din siya. Napatingin ako sa kanya, napatingin naman siya. Napansin kong palapit ng palapit ang mukha niya sa'kin. Napapikit nalang ako at naramdaman ko ang mga labi niya sa'kin.

"Sapphire?"napadilat ako sa nagsalita. Nakita ko si Master na nakatayo sa pinto. Napansin ko pang naka-nguso ako. Wah! Panaginip lang?

Nang dahil sa panaginip. Nang dahil sa isang napagandang panaginip , hindi natin napapansin ang mga nangyayari sa paligid. Di din natin napapansin ang oras.

"Oh? Bakit po master?"tanong ko sa kanya. Napangiti siya dun. Anong nakakatawa? Hindi lang basta ngiti, isang nakakalokong ngiti.

"Bakit ka naka-nguso?"tanong niya habang naka ngiti pa rin. Aish. Naaasar ako sa ngiti niya.

"Ha? W-wala"sagot ko at umiwas ng tingin. Pumasok siya sa kwarto at tumabi sa'kin.

"Hay naku! Sapphire. Hanggang sa panaginip ba naman, pinagpapantasyahan mo'ko?"nakakaasar niyang tanong.

*Bogsh*

"Aray! Ba't mo ginawa yun?"sabi niya sabay himas sa batok niya. Binatukan ko kasi. Ei nakakaasar ei. Tss.

"Ang hangin mo kasi, ilang electric fan ba ang nakain mo?"biro kong tanong. "Aksidente lang naman yun"mahina kong sabi.

"Aksidente ang ano?" Uh-oh. Sasabihin ko ba? Wag nalang, nakakahiya. Di ko lang siya pinansin at kumilos na parang walang narinig."Huy. Ano nga yun?"sabi niya sabay puppy eyes. Uwaah. Makakatanggi pa ba ako? Nagpuppy-eyes na oh.

"Ahm. Ano kasi. Napanaginipan kita"sagot ko.

"Oh tapos?"parang ang interesado niya ah.

"Ano.. kasi... nilagnat ako nun"sabi ko. Nakita ko sa mukha niya na gusto niya nang diretsuhin ko. Ugh! Ayoko nga. "Tapos inalagaan mo'ko, tapos nun niyakap mo'ko kasi nilalamig pa din ako"dagdag ko. Hingang malalim. Eto na yung part. "Tapos nun ,napansin kong papalapit yung mukha mo sa'kin. Tapos ayun"sabi ko. Success Sapphire!

Napakunot-noo naman siya.

"Tapos? Anong nangyari?"tanong niya. O_O. Shet . Di niya ba na-gets. Ano ba ang susunod kapag nagkalapit ang mukha? Diba maghahalikan na? Shet ang slow niya naman.

"Alam mo na yun"sabi ko sabay hampas sa kanya ng mahina. Napa-ngisi naman siya dun. Inirapan ko siya.

"Ano nga? Hindi ko alam ei"sabi niya. Akala ko ba na-gets na niya. Tss. Sakit sa ulo naman tong lalaking to ei. Mas lalo akong pinapahiya.

"Hay ewan"sabi ko sabay tayo at lumabas sa kwarto. Nadatnan ko wala sina Nanay at Tatay. Pero may mga nakahanda naman sa hapag.

Umupo ako at kumain na.

Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko yung pinagkainan ko. Habang naghuhugas ako may naramdaman akong baba sa balikat ko.

"Ahh!"sigaw ko. Nakita ko si Master sa likod ko. Shet naman ei.

"Alam mo, masyado ka ng nagsisisigaw ei"sabi niya. Yumakap ulit siya. Yuck! Parang ang awkward naman ata ng nangyayari ngayon. May kiliti ako sa beywang ko ei. Hihi.Parang gusto ko tuloy kumanta ng ..

Wag dyan, wag dyan
may kiliti ako dyan.
Wag dyan.
Oh see relax ka lang
May kiliti ako dyan.
Ayayay!

"Ano nga?"tanong niya . Hays! Di ba siya nagsasawang magtanong? Tss.

"Di mo pa rin magets?"tanong ko pabalik. Umiling lang siya habang naka-pout. Para siyang bata. Ang cute-cute niya.

"Sabihin mo na kasi. Di naman ako tatawa kung ano man yan ei"sabi niya. Sige na nga!

"Eto na nga. Ayun pagkatapos nung nangyaring paglapit ng mukha mo sa'kin. Ayun na. Naghalikan na tayo. Pero smack lang yun"sabi ko. Alam kong naka ngiti siya ngayon. Aish! Wag niya lang akong subukang asarin.

Natapos na ako sa paghugas pero hindi niya man lang ako inasar. Good boy.  Umupo ako sa kahoy na mukhang sofa. Tumabi naman si Master sa'kin.

"Gusto mo bang tutuhanin natin yung panaginip mo?"nagulat ako sa tanong niya.

WTF!!! Lupa kainin mo na ako!

Itutuloy..

---

[A/N: Yan lang muna sa ngayon. Monday na kasi tsaka may klase na kaya sa Saturday at Sunday nalang ako makakapag update. Don't forget to click vote before you leave ]

#LostWithHimPartTwo

V's Slave [BTS Fanfic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon