~[Prince's PoV]~
"Aray. Ang sakit. Dahan dahanin mo nga lang. Masakit ei. Dinidiin mo ei"sabi ni Sapphire.
"Konti na nga lang ei. Ang oa mo. Mawawala din yang sakit na yan. Masyado kang matatakutin"sabi ko.
Pinupunasan ko kasi yung kamay niya ng alcohol. Masyado kasing matatakutin sa alcohol ei. Tsaka masakit daw, ei hinihipan ko naman. Kaya ko nga dinidiin para mapunasan talaga yung loob ng sugat. Tss.
Nagkasugat kasi siya kanina. Bumili kasi siya ng bracelet. Kaso di niya alam na nakakasugat pala yung bracelet na yun. Kaya ayan. Nagkasugat siya sa kamay. Actually nandito na kami sa Condo ni Domi. Wala pa nga ang ugok ei. Siguro nang-score na yun. Ei sa ganda ba naman ng kasama niya. Hindi niya papatulan.
Nang matapos ko ng gamutin. Umupo lang ako sa sofa. Si Sapphire naman naka upo sa kama niya.
"Nasan na kaya si Master, Prince?"tanong niya. napangiti ako. Siguro kung naririnig lang siya ni Domi ngayon, iisipin niya sigurong gusto siya ni Sapphire.
"Siguro namamasyal pa sila nung ka-date niya. Wag kang mag alala, uuwi din yun"sabi ko. Para ngang hindi na namamasyal yun ei. Kasi nakita ko yung t-shirt niya na naka ipit sa pintuan. Haha! Ang ugok, nakikinig pala. Hmm. Ipalabas ko nga ang Truth. At nang malaman niya.
"Paano kung hindi? Tss. Ano ba kasing pumasok sa utak nun at hatinggabi na umuuwi" sabi niya. Natawa nalang ako pero mahina lang. Iniisip ko kasi na 'ano kayang reaction ngayon ni Domi?' .
"You really like him that much ah?" Sabi ko. At ayan. Binungad ko na ang totoo. Lagi nga akong naka tingin sa pinto ei. Di pa rin umaalis si ugok.
"Tss. Sira . Wag mo na ngang sabihin. Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto ei" Sabi niya. Natawa nalang ako kasi sinabi niya talaga na gusto niya si Domi. Ano kayang reaction ngayon ni Domi? Nakita kong wala na ang t shirt niya.
"Sabi ko nga. Sige Sapphire. Uuwi na ako. Napagod ako ei"sabi ko. Ngumiti siya bilang sagot. Ako naman patuloy pa rin sa pagtawa. Paano ba naman kasi, nalaman na talaga ni Domi ang totoo. At ang masaklap pa dun, ei kay Sapphire mismo nanggaling.Haha!!!
Paglabas ko sa building. Nakita ko ang taong minahal ko ng todo. Si Cheska. Patuloy lang ako sa paglakad. Dinaanan ko lang siya. Sino kaya ang pupuntahan niya dun?
Di ko na yun pinansin at umuwi na ako.
~[Sapphire's PoV]~
Hays. Mukhang di talaga makaka uwi ngayon si Master.
A/N: Dedicated sayo. Dami mong vote sa story na'to. Arigatoo! ^_^
BINABASA MO ANG
V's Slave [BTS Fanfic]
Fanfiction[COMPLETED] [UNEDITED] Bata palang si Sapphire Young nang mawalan siya ng ama. Nalulong ang ama niya sa utang kung kaya't sila ng kanyang ina ang sinisingil ngayon. Simple at matiwasay na buhay lang naman ang gusto ni Sapphire. Hindi niya inaasah...