RYE POV
"Sino 'yun?" Tanong ko kay Katelyn.
"Si Veña Casio, singer sa music band nila Liam"
Napatingin ako kung saan tumakbo sila Liam, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero naiinis ako sa totoo lang. Napairap nakanga ko at bumalik sa sinusulat ko pero wala ng pumasok sa utak ko na isusulat ko.
Padabog kong binaba ang ballpen ko na ikatingin nilang tatlo sakin pero nagact silang hindi nila nakita.
"Aminin mo na kasi na may gusto ka kay Liam"
"Ako ba pinagsasabihan mo?" Tanong ko kay Anthony.
"Sayo? Hindi ah, kausap ko si Hannah, diba?" Siniko niya si Hannah ng kaunti at tumango naman ito.
"Magdate kaya kayo"
Napatingin ako kay Katelyn na nakatingin sa cellphone niya. "Hoy may sinasabi ka?"
"Ako?" Turo niya sa sarili niya at tumango naman ako. "Hindi ah, si Hannah bakit hindi sila magdate ni Anthony"
"Tss" dinig kong singhal ni Hannah.
Not ready to mingle ang Lola niyo.
"Oo nga Anthony, bakit hindi no ayain kaibigan ko?"
"Bakit napunta sakin ang usapan?" Gulat niyang sabi.
"Oh e'di ako nga pinaguusapan niyo!" Sigaw ko sakanila.
"Kung nagseselos ka diyan, e'di sumali kadin sa music band" singit ni Hannah.
"Better idea Hannah, kahit pala tahimik ka may sense din pala kapag nagsasalita ka"
Tumango si Hannah with proudly pak u ka talaga akala ko pa naman kung kaibigan kita.
"Hindi ko siya gusto okay?! Saka Isa pa kaya ako nagagalit dahil turuan ko pa siya sa subjects natin" palusot ko at tama naman.
Nagkatinginan sila tatlo bago tumingin sakin. "Useless reason" sabay sabay nilang sabi.
Napanguso nalang ako at bumalik nadin naman kami sa classroom namin, parang nauubusan ako tubig sa katawan at parang ang boring ng hapon ko ngayon.
Hindi na kasi ako kinukulit ni Hannah since lumipat kami dito, na miss ko na siya na maingay at puro messy ang nangyayari kapag kasama ko siya. Na miss ko tuloy siya, mas gusto ko siya dati kesa ngayon.
Dahil nakakabingi na sa sobrang katahimikan niya.
"Hoy Hannah!"
Hinabol ko siya at kanina pa naglalakad, tapos narin pasok namin ngayon pero hindi manlang naghintay, tumingin siya sakin kaya tumakbo na ako palapit sakanya kahit andami kong dala.
"Ang tagal mo"
"Wow ha! Kala mo naman kasi kung wala akong dala" reklamo ko sakanya.
"Bumili ka kasi na malaking bag para doon mo ayusin mga libro mo hindi 'yung hawak-hawak mo tapos may laptop ka pang hawak" sermon niya.
"Pasensya na ah, Akala ko kasi kagaya ng Luciano na walang ginagawa at wala din report-report nayan"
"Tss" Singhal niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Thank you Lord at may kaibigan akong sermon sakin, pakshit ka talaga Hannah"
Tumakbo ako para habulin siya at buti nalang binagalan niya paglalakad, kaso hindi manlang ako tinulungan.
Pagkalabas namin pumunta na siya sa motor niyang si Franah, palihim naman akong tumawa sa inisip ko, nakakotse ako kaya siya lang ang motor.
May trauma na akong sumakay sa motor niya.
YOU ARE READING
Chasing Her (Oneirataxia Series #4)
RomanceRye Audrey Hernandez Liam Austin Aguilar Rye and Liam have known each other since they were young but they don't talk to each other, they're just in the same spot, they only met when they were in grade 9, they became friends until they became friend...