16

14 1 0
                                    

RYE POV

Ramdam ko tensyon ng dati kong kaklase at kay Liam pero tinigil ko na pakikipagkulitan doon dahil baka magkagulo. Bumalik na kami dito sa Campus na wala silang pasa.

Buti naman.

Dahil kaming lima lang ang andito at may kanya-kanya kaming ginagawa, hinanap ko agad siya at nakita ko siyang naglalaro ng tower yata 'yon. Lumapit ako sakanya at hinablot ito.

"May iba pa dun oh, 'yun kunin mo" kanguso niyang sabi habang nakaturo doon sa mga ibang parang laruan.

"Eh sa gusto ko 'to eh"

"Mangaagaw" bulong niya.

"Bleh" dumila ako sakanya at ginaya din niya ako. "Isip bata" pabulong ko.

"Utak bata"

"Childish"

"Utak inuog"

"Kapal ng mukha"

"Kapal ng ingrown"

Nagpapalitan lang kami dito ng sinasabi namin habang naglalaro itong inagaw ko kanina, para kaming timang dito.

"Bakit kasi hindi nalang kayo maghalikan diyan!" Sigaw ni Anthony.

"TANGINA MO!" Sabay na sigaw namin.

"Tangina niyo din!" Pabalik niya.

Wala naman kaming ginawa dito pero parang kaming timang kung titignan, wala kasi kaming teacher ngayon maghapon. Nakahiga si Hannah dito sa mesa at may librong nakalagay sa mukha niya, si Katelyn kaunti nalang mahuhulog sa kinauupuan niya dahil nakalagay ang hita sa mesa. Habang si Anthony kung ano ano pinaggagawa sa sahig at may parang drinowing siya doon na parang nilalaro.

Kung hindi ako nagkakamali parang cross siya na tinatalunan tapos may pamato pa ito. Ilang oras kaming ganito at napagdesisyunan namin guluhin si Hannah. Gusto ko ng tumawa ng malakas pero pinipigilan ko lang. Kinukuhanan na ni Liam ng picture ito at muntik pa niyang mabitawan.

Napansin naming gumalaw si Hannah kaya napatigil kami, bigat na bigat na ako sa upuan na hawak ko habang si Katelyn pigil na sa tawa niya. Dinuduro lang ako ni Anthony habang si Liam may gustong ilagay sa katawan ni Hannah.

"Put—Putangina!" Malakas niyang sigaw at pinagaalis ang mga nakalagay sakanya. "Pinaglalamayan niyo ba 'ko!" Sigaw na naman niya.

"Hoy ano daw ginawa niyo?!" Kunwaring tanong ni Liam.

Walang pasabi si Katelyn at bigla nalang binatukan si Liam, tawang tawa kami dito ni Anthony.

"Alisin niyo 'to!" Sigaw niya at stress na naman.

"Hoy alisin niyo daw!" Paguulit ni Anthony.

Inalis na namin ito dahil may picture naman na siya. Nang matapos kami dito pinapakita talaga namin ng password si Liam dahil parang alam daw ni Hannah ang password niya.

Teka paano? Tapos ako hindi ko alam.

"Bakit si Hannah alam password mo, tapos ako hindi ko alam" bulong ko sakanya.

Napatingin ito saakin at biglang nawala ang ngiti niya. "Ewan ko din, nakita ko lang may dinedelete na siya sa phone ko, hindi ko alam. Promise" tinaas niya ang palad niya na parang nangangako pa.

"Hoy Hannah!" Sigaw ko kaso tinignan niya lang ako.

"Hoy Rye! Ikalma mo lang!" Sigaw ni Liam sa likod ko at pinipilit akong tumigil.

"Bitawan mo ko, kakausapin ko lang" pagbabanta ko at bumitaw nga.

Lumapit ako kay Hannah na nasa tabi ng bintana.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now