14

8 1 0
                                    

Halloween 2.0: horror house

RYE POV

Ramdam ko pamumula ng pisngi ko.

Nakakahiya.

Lumabas na muna kami ng hospital nila Cy at Ethan para bumili ng pagkain namin dahil anong oras na, habang nakapila kami bigla naman ako kinurot ni Cy sa bewang, buti nalang natakpan ko bunganga ko kundi sisugaw ako dito ng malakas.

"Kita ko 'yon, landi mo ah" bulong niya.

"Ang alin?"

"'Yung kiss, kayo na? Akala ko ba nagpapaligaw ka palang"

"Nagpapaligaw pa nga"

"Eh bakit may pakiss kayong nalalaman"

Hindi ko na siya sinagot dahil baka kiligin lang ako, pagkatapos naming bumili bunalil na kami doon sa hospital.

"Oh buti andito na kayo" bungad sa'min ni Liam.

"Bakit? May nangyaring ba?"

"Eh biglang sinakal ni Hannah si Ashton"

Napatingin ako kay Ashton na ngumisi lang habang si Hannah nakaupo doon sa may sofa na nakatingala at mukhang nakatulog.

"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Cy.

"Tinurukan ng pampatulog ni Ashton, kanina ko pa sila inaawat buti nalang talaga wala pang nurse o ibang pasyente na nakarinig ng ingay dito"

Pagkatapos namin hinintay lang namin ang Doctor na pumasok dito kung mailalabas ba ngayon si Ashton. Bumisita muna akmi sa kwarto ni Hannah dahil nasa same hospital lang sila.

Nakita ko sila Tita Arlyn at Tito Dominic, nang makita kami kaagad naman silang tumayo.

"Napadalaw kayo" bungad skain ni Tita.

"Kamusta po siya Tita?"

"Maayos naman na, sabi ng Doctor maayos na lahat sakanya kaso kaylangan niyang lagyan ng bandage sa katawan para mabilis gumaling, ang inaalala ko lang kung kaylan siya gigising, nagaalala na kaming lahat sakanya"

"Sorry po Tita"

"Ano bang nangyayari ulit sa kaibigan niyo?" Biglang tanong niya at parang hindi niya narinig ang sinabi dahil nakatingin lang ito kay Hannah.

Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Liam.

"Ah Ma'am, sabi ni Ate Louise saamin pinaalis muna siya dahil ayaw nilang makuta si Hannah, umalis ng hospital si Hannah at may nakita sakanya na umiiyak sa park kaso nung pupunta yata siya bibili ng kung ano biglang may bumungo sakanya, pinatingin ni Tita Delilah 'yung CCTV dito sa harap ng hospital baka daw hindi accident ang ginawa kay Hannah kundi sinadya ito"

Napasapo si Tita ng noo niya at umiyak na naman. "Sinabi ko sakanya na huwag na ulit gumawa ng ikakapahamak niya kaso ito na naman mangyari, paano kapag bumigay katawan niya at hindi na ulit lalaban—"

"Hon, maayos ang utak ng anak natin kaya hindi niya hahayaang mangyari sakanya 'yon"

"Pero paano kung—"

"Tita galit si Hannah sa mga tao kaya hindi niya hahayaan na mamatay siya sa ganitong paraan"

Tumango nalang si Tita habang pinapakalma ni Tito, naging okay narin pala sila, Ilang oras lang kami dito baho bumalik sa kwarto ni Ashton.

Habang naghihintay kami dumating narin  ang Doctor may mga sinabi siya kay Ashton at umalis narin kami. Galit si Hannah kaya kami ni Cy ang umalalay dito.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now