26

9 1 0
                                    

RYE POV

Pagkatapos ng libing ng Lola ko dumeretsyo ako sa set ni Liam at hindi ko alam kung nanghihina na ba ako o kulang lang sa tulog. Pagkababa ko napahawak ako sa bubong ng taxi bago naglakad. Habang papalapit na ako biglang nagring ang cellphone sa bag ko.

[Hello? Pasensya na kung hindi ako nakapunta, pinilit kong kausapin manager ko pero hindi ko talaga mapakiusapan] dinig kong boses ni Hannah. [Ayos ka lang ba? Umuwi ka nalang dito para maging ayos ka naman, andito lang ako]

Hindi ko inaasahang sasabihin ni Hannah ang mga sinasabi niya kaya kusang tumulo ang luha ko pero kaagad ko namang pinunasan ito sabay ngiti.

"Maayos naman ako huwag kang magalala, ayos lang ako"

[Hindi ka okay, kahit naririnig ko lang boses mo.....Hindi ka okay kaya umuwi kana dito pagkatapos mong mahimasmasan diyan, dito ka namma umiyak at limutan kung anong nangyari sa Lola mo kahit mahirap]

"Salamat ha" iyon nalang nasabi ko dahil kung magsasalita pa ako mas lalo lang ako iiyak.

[Seyempre! Ako lang 'to oh!" Proud niyang sabi at mukhang nahahawa narin ito sa ugali ko.

"Sige na, pupunta na ako diyan kasi nagbook ako ng flight pauwi diyan, paalam lang ako then bukas na flight ko"

[Oh sige, tawagan mo nalang ako para masundo kita dahil kung text lang baka nakatulog ako kapag nagtext ka lang]

"Sige na, babye"

[Sige, ingat] saka niya pinatay.

Nagayos ang ako ng mukha dahil wala akong make up at nagblush on nalang at nagliptint. Habang naglalakad ako may mga nakapansin sakin kaya ngumiti lang ako at pinagmamasdan si Liam na nagaacting.

Ganito pala siya umarte.

Napataas ang dalawa kong kilay ng bigla niyang halikan ang babaeng kasama niya at halos matawa ako dahil parang iba siyang humalik dito, samantalang sakin halos.

Nang buksan niya ang mata niya habang nakikipaghalikan nagulat nalang ako kaya tumalikod ako at may tumutulo na naman sa mata ko kaya mabilis ko itong pinunasan. Hindi ko magawang umiyak dahil lang sa paghalik niya sa babae pero bumabalik kasi kung anong dahilan ng pagpunta ko dito at iyon na naman.

Habang naglalakad at nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa pulsuhan ko na ikabilis kong tumalikod sa pupuntahan ko. Nakatingin lang ako sakanya na may gulat sa mata.

"May problema ba?"

"Mmm?" Natauhan ako ng magsalita ito. "Wala, bumalik kana dun baka hinahanap kana nung mga staff at dun sa kahalikan mo, baka hindi pa kayo tapos!" Pinipilit kong maayos ang pakikipagusap ko sakanya pero munang napasigaw pa ata ako.

Hinawi ko ang pulsuhan kong hawak-hawak niya sabay talikod pero pumunta ito sa harap ko at hinawakan ako sa balikat.

"Kaya kong iwan trabaho ko" mahinahon padin niyang sabi.

Jusko naman.

"Basta sabihin mo lang kung anong nangyayari sayo, hindi kana nagsasabi sakin na kung may problema kaba o wala, sinasari-"

Doon ko lang na realize na sobrang tagal naming hindi nagkakausap, yinakap ko nalang ito para walang masabi at wala sa sariling napaiyak ng patago.

"Liam" pabulong ko sakanya.

"Baby ko"

Pagkatapos niyang sabihin iyon doon lang ako nakaramdam ng pahinga pero umiiyak padin ako, kahit anong gawin ko hindi ko matanggal ang pagkakayakap ko sakanya, Ilang minuto ang nakalipas kukuhanin niya lang daw siya ng gamit niya at aalis kami dito.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now