RYE POV
Habang umiiyak ako dito ng palihim hindi siya nagsasalita, Ilang oras na kaming andito at padilim narin, huminga ako ng malalim at tumingin sakanya, tumingin siya pabalik sakin at ngumiti.
"Tapos kana?" Mahinahon niyang tanong.
"Alin?"
"Sa pagiyak mo, siguro naman pwede mo ng sabihin kung bakit ganun ka mung makipagusap kay Mrs. Salvia"
"Malaki ang galit ko sa pamilya ni Erick, nung una akala ko kapangalan lang siya ng pinsan ko kaya binalewala ko pero nung sabihin ni Dean na Silvia hindi ko an alam kung napapano bibig ko at lumabas lahat ng sakit"
Lumapit ito sakin at inakbayan ako. "Ganun, so magpinsan kayo nun... Pero huwag kang magalala dahil andito lang ako, kapag gusto mong umiyak tawagan mo ko, dadating ako"
Napangiti nalang ako at narinig ko pa siyang tumawa. "Panira ka talaga, nage-emote ako dito tapos babanat ka ng ganyan"
"Pero aminin mo kinilig kadin dun" pangaasar niya at pinaglalaro pa ilong ko.
"Tss oo na, next time hindi ko na gagawin 'yon dahil gusto ko na silang kalimutan"
"Hmmpp Tama 'yan baby ko, move on kana dun sa trauma mo dun kela Erick dahil andito na ako"
"Para ano? Magbigay din ng trauma sakin?"
"Hindi ah!" Kaagad niyang sagot. "Alam mo para akong shu glue"
"Bakit naman?"
"Stick to one lang ako eh"
"Ahhh-hahahaha corny mo"
"Pinapagaan na ngalang loob mo tapos ganyan pa sinasagot mo"
Tumango ako at bigla siyang hinalikan, habang nakatingin ako sakanya, nakita ko ang mukha niyang napahawak sa pisngi sariling pisngi at tumingin sakin.
"Kiniss mo ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya at namumula pisngi niya kahit madilim onti nakikita ko padin mukha niya.
"Ayaw mo?"
"Gusto pero pangit ng agulo mo, dapat dito" turo niya sa labi niya.
"Ayoko nga, abusado ka kaya kaag hinalikan kita diyan"
"Hindi naman ah!" Sigaw niya.
"Alam mo ba ibig sabihin niyan?" Bigla kong tanong sakanya.
"Alin?"
Pakshit ngayon ko na nga lang ginawa 'yan sa lalaki tapos lutang kapa.
"Diba nanliligaw ka?"
"Mmm"
"Sinasagot na kita"
Deretsyo kong sabi sakanya na naistatwa ito pero kaagad namang nagsisigaw habang tumatakbo na tumalon.
Ano ginagawa niya.
"Hoy pagabi na huwag kang maingay!" Saway sakanya pero hindi niya ako pinapakinggan.
Natawa nalang ako habang pinapanood siya.
Para siyang bata.
Kalahating oras siyang nagpapakabaliw bago kami umuwi, nagtext sakin si Cy na iniuwi na niya na kotse ko at mga gamit. Binaba niya ako dito sa harap ng bahay namin.
"Bakit ayaw mong buksan!"
"Dito ka muna"
"Alam mo magkikita pa naman tayo sa bukas kaya buksan mo na"
"Okay" ngumuso ito kaya hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan sa labi niya.
"Babye, I love you" bulong ko sakanya bago bumukas.
YOU ARE READING
Chasing Her (Oneirataxia Series #4)
RomanceRye Audrey Hernandez Liam Austin Aguilar Rye and Liam have known each other since they were young but they don't talk to each other, they're just in the same spot, they only met when they were in grade 9, they became friends until they became friend...