Both of us
RYE POV
"You need to sit on his lap" utos ng photographer.
Napangisi nalang ako at umupo sa lap niya, bago ako umupo inayusan pa siya. Pagkaupo ko ramdam ko na ang pagpipigil niya. Ilang picture lang ang kinuha nila dahil magtiitngin lang sila ng maayos doon.
May nilagay silang hagdanan na dalawa lang na paguupuan namin, pangalawang dress na ang sinuot ko para sa next photoshoot namin.
Walang nakakaalam na boyfriend ko siya kaya act normal kami ngayon, masyadong revealing ang suot ko kanina pero ngayon sakto nalang.
Inalalayan niya akong umakyat sa taas at umupo, palihim niyang inayos ang pustura ko bago ito umupo sa harap. Mas mataas ako sakanya at may picture na gagawin kami na malapit ang mukha namin.
Ilang oras ang nakalipas, natapos narin kami. Nagsuot lang ako ng baggy jeans, oversize na jacket, nagfrace mask at nagshades narin. Ayokong may makakita saamin lalo na may date pa kaming dalawa ngayon.
"Mukhang pigil ka kanina ah" pagbibiro ko habang nilagay ang bag ko sa likod.
"Buti nalang mapipigilan ko kundi baka magkalat tayo dun" ngumisi pa ito kaya inirpan ko ng mabilisan.
Gamit namin ngayon kotse ni Hannah dahil nakatambak lang naman daw ito sa garage namin doon kaya ito hinihirap namin ngayon at walang nakakaalam na may ganitong kotse kaming tatlo.
"Pigilan mo, baka gusto mo maging sikat dito"
"Sikat na ako baby ko" pangaasar niya at ngumiti ito. "Kung ako sayo dapat pakasal na tayo eh"
"Sige.... Marry me now" nilahad ko ang likod ng kaliwang kong kamay na may halong kaartihan.
Tinitigan niya lang ang kamay ko saka tumawa. "Kaso dapat si Katelyn naunang magpakasal saamin"
"Ha?! Ay oo nga pala! Speaking of Katelyn, hindi pa ba sila kasal? Kasi wala kaming nababalitan about sainyo sa pilipinas"
"Wala, nasa Australia si Jake, andun siya para asikasuhin pinapatayong bahay ng Lola niya pero dalawang taon lang siya doon, actually kakaalis niya lang nung last month tapos pagbalik niya papakasal sila ni Katelyn" mahabang paliwanag niya.
Papunta na kami ngayon sa restaurant na pagkikitaan namin nila Hannah, Cy, at Ethan.
"Kung ganun, hindi pa tayo magpapakasal?" Tanong ko.
"Nope" mabilis niyang sagot. "But don't worry, pagkatapos ng kasal nila next year nun tayo naman" saka siya ngumiti.
Tumango nalang ako at ngumiti pabalik, hindi naman sa minamadali ko kasal namin, gusto ko lang kasing magpakasal muna kami bago pa kami magkaroon ng himala at mabuntis ako.
Wala kaya sa vocabulary kong majuntis muna bago ikasal.
Pagkadating namin sa loob, hinanap na muna namin sila Hannah at nakita naman namin sila.
"Buti naman andito na kayo, antagal niyo! May nagrereklamo na dito oh" sabay turo kay Hannah na nakag headset na habang nakapikit ang mata.
"Wala si Trixie? Akala ko sinama niyo?"
"Pumunta siya sa pilipinas, kasal ng kapatid niya" sagot ni Hannah.
"Nakaorder na kayo?" Singit ni Liam. "Hey dude! Tagal nating hindi nagkita ah" lumapit ito kay Ethan para nakipagbatian.
Pinabayaan namin silang dlaawng magdaldalan at nagorder na kami dahil mga drinks palang ang na order nilang tatlo. Pagkatapos naming um-order nagsasalita naman itong Camille Alcantara na ito.

YOU ARE READING
Chasing Her (Oneirataxia Series #4)
Любовные романыRye Audrey Hernandez Liam Austin Aguilar Rye and Liam have known each other since they were young but they don't talk to each other, they're just in the same spot, they only met when they were in grade 9, they became friends until they became friend...