31

30 1 0
                                    

LIAM POV

"Dre na sisiraan kana ba! Sobrang tagal niyo na tapos ngayon patapos na nga career mo tapos ganun nalang ginawa mo! Siraulo kaba!" Galit niyang sigaw.

"Tahimik ang career niya kaya kahit na magulo ang career ko basta maayos siya 'yun lang gagawin ko"

"Ha?! Alam mo! Hindi kita maintindihan! Maayos ang utak mo Liam! Hindi makitid kaya ayusin mo dahil gulong gulo na ang utak ni Rye dahil sa-"

Pak!

"Dre!"

"Hannah!"

"Tangina mo andito ka lang pala!" Dinig kong boses ni Hannah at may panggigigil.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sampal na ginawa niya, na out of balance pa ako dahil sa lakas nun at ramdam ko ang pisngi kong namumula.

"Hannah bakit ka andi-"

" 'Wag kang mangialam dito Lance! Umalis ka diyan!" Pagdidiin niya sabay tabig sa kamay ni Lance at binigyan ako ng sipa sa dibdib.

Hindi ako makagalaw dahil pagkahiga ko sa sahig, lumuhod siya saakin at hinawakan ang kwelyo ng damit ko saka ako pinagsasapak, nakikita kong inaawat na siya ng mga kaibigan ko pero ayaw niyang magpaawat kaya nakahawak ako sa kamay niya at tinulak siya.

Pagkatapos ko doon ko naramdaman mga ginagawa niya sakin, napatingin ako kay Hannah na kahit singkit na mata ko nakikita ko padin galit sa mukha niya.

"Hayop ka! Sana sinabi mo sakin na ganun lang gagawin mo sa kaibigan ko! At alam kung anong nangyari sa kaibigan ko! Huh! Seyempre hindi dahil career mo lang pinapakealaman mo! How about Rye naman na nagpapakasaya kayo dito habang ang girlfriend mo umiiyak sa hospital dahil nawala ang anak niyo!" Sigaw padin ni Hannah.

Halos lahat kami natigil ng marinig ang sinabi niya. Alam ong Mali ang nagawa ko perk bakit siya ang sumusugod saakin, Ayokong bumalik 'yung dating Hannah dahil baka pagkatapos neto ay isugod na ako sa hospital. Napayuko nalang ako at napahawak sa ulo ko.

Alam kong may mali kay Rye pero hindi ko maimagine na nawala ang anak namin, nakikinig lang ako sa mga nagsasalita sa paligid ko pero para akong nasisiraan ng ulo.

"Sinabi ng doctor na because of stressed na nangyayari sakanya and pagod narin na hindi niya namalayan na may anak kayo, binalewala niya lang 'yun dahil alam niyang wala lang sakanya pero 'yung ginawa mong kissing scandal about sa ka love team mo doon mas lalong na stress ang kaibigan ko..... Kulang sa aruga si Rye dahil puro trabaho lang naman ginawa niya sa kalahati ng buhay niya..... Pero ang hindi ko maintindihan, anong nakain mo at pumayag ka na ganun nalang ginawa niyo. Akala ko maayos utak mo pero tatanga-tanga ka din pala!!"

Last word niya lang ang narinig ko at napatingin ako sakanya na nakatalikod na siya saamin palayo, tumayo ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Kahit na nahihirapan ang mata kong tignan ang mga daan nakarating din naman ako ng hospital.

"Nurse, Rye Hernandez"

"Ahh Sir room 273 po, 5th floor po"

Tumunog ang elevator kaya pagkarinig ko naglakad na ako papasok. Nakasandal lang ako at nakataas ang ulo ko habang hawak ang tagiliran ko dahil sumasakit ang tyan ko sa pagkakasipa ni Hannah.

Pagkatunog ng elevator napaayos ako ng tayo at lumabas dito, hinanap ko ang room ni Rye kahit nahihirapan na talaga ako. Pagkakita ko sa room 273 hindi na ako kumatok at pumasok nalang.

Pagkapasok ko nakita ko si Rye na umiiyak sa kama niya, may lalaki siyang kasama pero lumapit nalang ako pero pagkalapit ko binigyan niya naman ako ng sampal.

Chasing Her (Oneirataxia Series #4)Where stories live. Discover now