KABANATA 3

303 7 2
                                    

"Eliza Arguella," sambit ko habang pinapasadahan ng basa ang mga dokumentong ibinigay sa akin ni Miss Gonzales, ang head ng HR department ng kumpanya. Inutusan ko kasi siyang mag-hire ng bago kong sekretarya dahil nasisante ko ang huli niyang hire para sa akin. Kapag mainit kasi ang ulo ko ay napagbabalingan ko ang sino mang makita ko at malas niyang siya ang lagi kong nakikita nang mga panahong iyon. Nagkakasakit kasi noon si Mama kaya napilitan sila ni Papa na lumipat na lang sa Amerika. Kaya ako lamang mag-isa ang naiwan noon sa mga negosyo rito sa Pilipinas, medyo hirap ako noon sa dami ng mga engagements at meetings ko kaya kailangan ko sana ng maaasahang sekretarya sa tatayo ring assistant ko pero mukhang hindi kaya ng sekretaryang na-hire ni Miss Gonzales kaya nasisante ko.

Ngayon heto at may bago na naman, mukha namang propesyonal at ayon sa resume ay fresh graduate ito. Ayaw ko sanang umanggap ng mga baguhan at walang experience pero mukhang may ibubuga naman ang isang 'to. Cumlaude graduate at top notcher din sa katatapos lamang na board exam.

Tumango tango lamang ako habang ibinalik ang tingin kay Miss Gonzales na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko at hinihintay ang susunod na utos ko.

"When will she start?" tanong ko na tinutukoy ang bago kong sekretarya.

"Sa Monday na po sir!" maagap na sagot niya.

"Good, you can go back to your work thank you!" sabi ko saka hinarap ang mga papeles na kanina pa naghihintay sa mesa ko.

Inabala ko na lamang ang natitirang oras ko sa pagpirma at pagbabasa ng mga papeles na ilang buwan ding naghintay sa akin. Sabado na ngayon at bukas ay maaari akong magpahinga nang may peace of mind. Wala na si Alegra na laging nagdedemand ng date at dinner sa kung saan saang mamahaling restaurant. Nagtaka nga ako kahapon dahil sa napili niyang restaurant ay hindi gaanong kamahalan, hindi na rin ako nakakain kahapon dahil nagsimula na siyang gumawa ng eksena at halos maglumuhod pa siya sa harapan ko. Hay naku! Halata mo lang talaga ang mga bababeng pera lang ang habol sa'yo.

Bago ko lisanin ang opisina ay nagbilin ako kay Miss Gonzales na ayusin ang opisina ko at doon ilagay ang table ng bago kong sekretarya.

"Yes Sir!" sabi naman niya na agad nag-utos ng gagawa nito. Linggo na kasi bukas at sa lunes naman ay maagang papasok ang lahat kaya wala na siyang oras para gawin iyon.

ELIZA'S POV

Wala na akong ibang gagawin kung hindi ang maghanda at maghintay ng araw na pinakahihintay ko. Ang paghaharap naming ni Troy Monteverde! Matagal kong pinaghandaan ito pero parang may takot pa rin ako. Hindi ko alam ang pagkatao ng Troy na iyon at limited lamang ang mga impormasyon sa media o social media tungkol sa ugali niya. Bukod sa mga babaeng nauugnay sa kaniya at mga negosyong hawak niya ay wala nang ibang article tungkol sa kaniya. Misteryoso ang kumag!

Lunes ng umaga ay handa na ako. Alas otso pa ang oras ng trabaho pero alas siete pa lamang ay nasa harap na ako ng higanteng Monteverde Tower.

'Hah! Hindi na magtatagal ang pamamayagpag mo, Monteverde!' Ngayon pa lamang ay ramdam ko na ang tagumpay! 'Malapit 'nyo nang anihin ang galit na itinanim ninyo mula pa pagkabata ko!' Ito ang mga katagang nais kong isigaw pero sinarili ko na lamang at sa halip ay hinanda ko ang mapang-akit na ngiti na para lamang kay Troy, sa aking bagong boss!

"Good morning Maam!" bati sa akin ng guard sa bungad pa lamang ng gusali.

"Good morning," kaswal na bati ko at bahagya kong nginitian.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang sarili ko sa salaming dingding. Alam kong maganda ako, well, iyan ang sabi ng halos lahat ng nakakasalamuha ko. Pero iba sa araw na ito, pakiramdam ko ay blooming ako. Hindi naman kataka-taka dahil napaka ganda naman talaga ng aking Ina. At ang aking ama, hindi maikaka-ila na magandang lalaki siya, magandang lalaki pero hindi ganoon kaganda ang asal! Abandonahin ba naman kaming mag-ina? Medyo napasimangot ako sa pagkaka-alala sa aking Ama. Huminto ako at inayos ang sarili ko bago sumakay ng elevator. Nasa 45th floor ang magiging office ko, ang office rin ni Troy.

ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon