KABANATA 11

209 4 1
                                    


Third POV

Matapos ang mainit na sandaling pinagsaluhan ng dalawa ay kapuwa walang imik na nakahiga sila sa kama. Makirot ang bahaging iyon ni Eliza, pero hindi matatawarang kaligayahan ang naramdaman niya nang angkinin siya ni Troy. Asawa niya ito at hindi siya nagsisisi na ibigay dito ang matagal na iningatan.

Pero saglit lang ang mga pangarap na ito ni Eliza. Nawala ang sigla sa mukha niya nag maalala ang kasalukuyang sitwasyon. Alam niyang ano man ang mamagitan sa kanila ngayon ay magiging ala-ala lamang ang mga ito pagdating ng takdang oras. Susulitin na lamang niya ang mga panahong kasama niya ang asawa.

Nagpahatid na lamang sila ng hapunan sa kanilang hotel room nang makaramdam ng gutom. Todo asikaso sa kaniya si Troy. Halos subuan siya nito.

"Ano ka ba? Hindi pa naman ako pilay," natatawa siya nang inaalalayan siya nito patungo sa banyo.

"Mabuti na 'yung sigurado, baka mamaya mag-dive ka na naman sa loob ng banyo," natatawa ring tugon sa kaniya nito.

"Isa pa, wala nang dahilan para mahiya ka sa akin," anitong kumindat pa sa kaniya.

"Oo na! Sige na lumabas ka na at hindi ako kumportableng umupo rito nang may kasama," pagtataboy niya rito nang hindi pa rin ito umaalis.

"Alright! Sorry," tugon naman nitong medyo nahiya sa sinabi niya.

Kumportable na nga siya kay Troy, parang nakasanayan na niyang lagi itong nakakasama mulang nang magtrabaho siya rito bilang sekretarya nito. Pero malapit nang magtapos ang lahat ng ito, at malapi na ring matupad ang planong matagal na niyang binuo.

Naging parang honeymoon ang biyahe nilang iyon. Maraming beses nilang inangkin ang isa't isa. Nagpakasasa sa ligayang hatid ng pisikal na pagnanasa. Hinding hindi makakalimutan ni Eliza ang unang pasok ni Troy sa masikip niyang lagusan. Kahit pa dahan-dahan at sobrang ingat ni Troy ay napakasakit pa rin. Para siyang biniyak, pero nang mga sumunod na ulos nito ay para na siyang dinuduyan sa alapaap hanggang sa makarating sa sukdulan.

Tila nag-iinit na naman siya nang maalala ang kanilang unang pag-iisa.

Huling araw nila ngayon, pabalik na sila bukas sa Pilipinas. Nakapamili na rin sila ng ilang mga nagustuhang produkto sa bansang ito. At halos nalibot na rin nila ang mga magagandang pasyalan.

Nagbabasa siya ng libro pero wala doon ang kaniyang isip. Kanina pa iba ang pakiramdam niya nang maalala ang maiinit na sandali nila ni Troy. Nilingon niya ito, tahimik na nanonood ng telebisyon habang kumportableng naka-upo sa sofa.

Gumuhit ang pilyang ngiti sa labi niya nang makitang ang paborito nitong koponan sa football ang naglalaro, kaya pala naka-focus ang atensyon nito sa tv.

Nasa ilalim siya ng kumot kaya walang kamalay malay si Troy habang inaalis niya ang kaniyang pang-ibabang saplot, maging ang panloob. Mahaba naman ang pangitaas niya kaya hindi iyon halata nang tumayo siya mula sa kama. Nilingon lang siya nito saka ngumiti pero ibinalik rin ang tingin sa telebisyon.

Naglakad siya palapit dito at diretsong umupo sa kandungan nito paharap din sa tv. Niyakap naman siya ni Troy sa beywang na patuloy pa ring nanonood. Nasa kalagitnaan ang laban kaya kung maaari ay ayaw nitong kumurap.

Naka boxer shorts lamang si Troy kaya ramdam niya ang umbok sa harapan nito. Nai-imagine n'ya tuloy ang malaki at mahaba nitong kargada. Bahagya siyang gumalaw para damhin iyon, tamang tama naman ang umbok nito sa pagitan ng kaniyang dalawang hita. Napakagat siya sa pang-ibabang labi nang maramdaman ang matigas nitong *ri na dumidikit sa pagkab*b*e niya. Kahit pa may pagitang tela ay sapat na ang umbok nito para tuluyang mabuhay ang kaniyang pagnanasa.

ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon