KABANATA 8

210 6 1
                                    


ELIZA



Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong magpakasal kay Troy. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong gumawa ng paraan para sirain kung hindi man ipahiya sa publiko ang pamilya Monteverde.



"Whaat?" Gulantang si Jelay nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko.



"Seriously?" Aniya pang hindi makapaniwala.



"Yang bibig mo, dinig ka na hanggang sa kabilang barangay," sabi ko habang tumingin sa paligid. Inaya ko siyang mag-lunch sa isang restaurant para sabihin ito.



"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, iyang reaksyon mo wagas!" Sabi ko pa at tinampal siya sa braso.



"So what? Wala namang nakakakilala sa atin dito," pagdadahilan pa niya.



"Ayaw na ayaw mo sa prince charming ko tapos ikaw pala obsess na obsessed diyan sa boss mo," sabi niyang naghahaba ang nguso.



"Pero seriously ha, delikado yang pinasok mo beshy! Mabuti sana kung inlove ka d'yan sa Troy na yan," seryosong sabi niya sa akin.



"Pero alam mo ba, mababago ng love ang buong pagkatao at galit d'yan sa puso mo kapag tinamaan ka nito," patuloy niya.



"Sigurado na ako rito, they deserve it!" Sabi kong may galit pa rin sa tinig.



"Sige na beshy, support mo na lang ako, last na talaga 'to sa kahibangan ko," sabi ko. Kahibangan kasi ang tawag niya sa ginagawa kong paglapit sa pamilya Monteverde.



"Oh, eh ano pa ba ang magagawa ko? Kailan ba ang kasal n'yo?" aniya. Sa wakas ay kumalma na.



"Next month. Ikaw at isang kaibigan lang niya ang witness," sabi ko.



"Okay, teka! Yan bang kaibigan niya eh single?" muling tanong niya.



"Ewan ko, akala ko ba may prince charming ka na?" balik tanong ko sa kaniya. Kanina lang kasi ay ibinibida na naman niya ang guwapong tambay sa resto niya.



"Hmp! Hindi pa rin ako pinapansin. Tsaka ilang araw nang hindi pumupunta sa resto," may halong lungkot ang tinig niya.

ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon