"Hey honey!" Malakas at malanding salubong ni Alegra kay Troy pagkababa pa lamang nito sa sasakyan? Ano'ng ginagawa ng babaeng ito dito? Tanong niya, sinarili na lamang iyon. Ano nga naman ba ang karapatan niya? Nagapakasal lamang sila ni Troy dahil ginamit siya nito para hindi ipagkasundo ng kaniyang mama sa babaeng hindi niya gusto. At pumayag lamang siya para mapadali ang kaniyang plano. Alam niyang pinili lamang siya ni Troy dahil she fits to be his girlfriend at dahil convenient para rito kung sakaling gustuhin man nito ng annulment afterwards.
Makikipagbalikan rin pala siya sa babaeng ito, bakit kailangan pang i-uwi siya rito? Puwede naman siyang pumirma ng annulment kahit nasa Amerika siya, muling himutok ng butse niya.
Dumiretso siya sa sarili niyang kuwarto. Ang kuwartong ipinagamit ni Troy sa kaniya noong una. Nagkulong lamang siya at walang balak makita ang mga ito. Pero tila sinasadyang sa pasilyo pa ang mga ito naglalampungan malapit sa kaniyang silid.
"F*ck!" Bulalas niya at tinakpan ng unan ang kaniyang tainga.
Bandang hapon ay nakaramdam siya ng gutom, pababa na sana siya nang makarinig ng mahihinang ungol sa silid ni Troy. Bahagyang naka awang ang pinto nito kaya kitang kita niya ang dalawa, si Troy na nakahiga sa kama at si Alegra na naka-ibabaw dito at walang saplot habang panay ang ungol.
Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kaniyang luha, bakit napakasakit? Oo, tanggap naman niyang hindi sila para sa isa' t isa pero iba pala kapag nakita mo siya sa kandungan ng iba. Parang tinutusok ang matalas na punyal ang kaniyang puso. Halos hindi siya makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib.
Bumalik siya sa kaniyang silid at muling nagkulong. Hindi niya alintana ang gutom. Halos magdamag siyang nag-iiyak hangga't wala nang luha ang gustong pumatak sa mga mata niya.
Nakarinig siya ng mahihinang katok mula sa pinto.
Hindi siya sumagot. Nagkunwari siyang tulog.
Bumukas iyon.
"I know you're awake. Listen, huwag na huwag mong susubukang tumakas dahil kahit saan ka pumunta ay mahahanap kita," may diing sabi nito. Hindi siya tuminag.
"Hindi ko na iisa-isahin ang mga kasalanan mo but you have to pay for it! Hindi mo alam kung gaano kalaking perwisyo ang ginawa mo," anitong tila napipikon na sa hindi niya pagharap dito.
"Sukdulang ikulong kita ay gagawin ko para mapagbayaran mo ang ginawa mo!" Sabi nito bago muling isinara ng malakas ang pinto.
Hindi niya ito pinansin. Wala rin naman siyang balak tumakas. Para saan pa? Para kanino? Wala namang naghihintay sa kaniya. Maging ang kaniyang Ina ay tila wala na nga ring panahon sa kaniya.
Bumaling siya sa may pinto. Napaisip.
Hindi pa rin talaga maalis sa isip niya ang nangyari kagabi. Bakit kailangang makita pa niya ang mga ganoong bagay?
Galit siya. Galit siya sa sarili dahil hinahayaan niyang gawin sa kaniya iyon ng mga taong wala namang ambag sa buhay niya. Dapat hindi siya nasasaktan, hindi ba't matapang siya? Hindi ba matigas siya? Bakit nawawala ang mga katangiang iyon pagdating kay Troy? Bakit nagiging tanga siya at sunod sunuran dito? Bakit masakit sa puso niya na makitang nasa kandungan ito ng iba?
Hindi kaya mahal niya si Troy?
Natigilan siya.
Umiibig na nga ba siya kay Troy? Matagal siyang napa-isip.
Hindi nga ba? Sa huli ay inamin din niya sa sarili. Kung Pag-ibig ngang matatawag iyon ay wala siyang magagawa. Mahal niya ang taong dapat sana ay kinamumuhian niya. Ang taong umagaw sa atensyon ng kaniyang ama na kahit kailan ay hindi niya naranasang mapasakaniya dahil itinanggi siya nito hanggang sa huling pagkakataon. Nagmukha siyang hindi katanggap tanggap bilang isang anak. Ano ba ang ginawa niyang mali? Gusto lamang niyang magkaroon ng pamilya. Ng isang ama.
BINABASA MO ANG
ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)
RomanceI am Eliza. I was abandoned and denied, by my father. I grew up full of anger and bitterness in my heart. I seek revenge. Vengeance. And Troy is the only answer for everything. Temptation. Lust. I'm willing to give everything to bring Montev...