KABANATA 5

255 5 1
                                    

 Hindi na ako nag-inarte pa. Sumunod na lamang ako sa agos dahil ng pabor naman sa akin ang sitwasyon.

"Thank you," bulong sa akin ni Troy saka marahang pinisil ang palad ko na nanatiling hawak niya mula pa kanina.

"Alright young couple, let's get in to business," maya maya ay pag-iiba ni Mr. Magno Monteverde.

"Yeah, sure. Please have a sit," sang-ayon naman ni Troy sa matanda.

Inalalayan pa rin ako ni Troy hanggang sa pag-upo. Akala mo talaga ay totoong boyfriend, napakagaling magkunwari ng loko!

"Well, as I've said before gusto kong mag-expand sa Germany and that will make an additional demand sa mga products natin. I just want to make sure na kayang mag-supply ng kumpanya kung sakaling sisimulan ko ito next year," mahabang saad ng matanda.

Ang kumpanya ni Troy ang nagmamay-ari ng malalaking pagawaan ng furniture sa bansa. Lahat ng kanilang produkto ay eni-export sa iba't ibang bahagi ng mundo. Isa na nga rito ang Europa kung saan naroon din ang kumpanya ng kaniyang uncle Magno.

"Kung next year pa ay kakayanin, we have enough time to adjust and expand the production," maagap namang tugon ni Troy. Talagang bihasa na ito sa negosyo at walang pinalalampas na kahit maliit na oportunidad. Minsan nga ay bumibilib na ako sa kasipagan niya.

Marami pa silang napag-usapang detalye tungkol sa nalalapit na pagpapalawig ng kumpanya. Tahimik lamang kaming nakikinig ni Mrs. Monteverde. Paminsan-minsan ay nagbibigay rin ng opinyon. First time kong mahingan ng opinyon sa isang napakalaking transaction ng kumpanya. Sabagay, sekretarya lang naman ako, ano ba ang aasahan ko sa trabaho ko?

"Thank you for your time uncle! Talagang umuwi pa kayo para rito," magalang na pasalamat ni Troy sa mag-asawa. Sa wakas ay natapos rin ang meeting. Halos isang oras at kalahati rin ang itinagal noon.

"Walang anoman iho, ang totoo n'yan eh balak talaga naming magbakasyon ng auntie mo, namimiss na rin namin ang klima rito," anitong umakbay pa sa kaniyang kabiyak.

"Kung may oras kayo ay puwede kayong sumama para naman may libreng tour guide kami," biro pa nito.

"Sure uncle! Tatawagan lang kita kapag naayos ang schedule namin ng my love ko," excited namang sang-ayon ni Troy. Medyo tumaas naman ang kilay ko sa sagot niya. Aba't talagang pinaninindigan na nito ang pagkukunwari!

"Hindi ba my love!" baling niya sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi! Namula ako sa ginawa niya. First kiss ko iyon! Ang walang hiyang lalaki at talagang pinagsasamantalahan ako!

"Y-yeah!" pilit ang ngiting tugon ko. Wala na ako sa lugar para tumanggi pa. Sumang-ayon naman ako in the first place kaya dapat tanggapin ko ang mga consequences.

"Siya, magpapaalam na kami," ani Mrs. Monteverde.

"Ikumusta mo na lamang kami sa mommy at daddy mo, kung bakit kasi naisipang tumira sa Amerika hayan tuloy bihira na kaming magkita kita," himutok naman ng kaniyang uncle Magno.

"Don't worry tito kapag magaling na ang mama ay babalik din sila rito. Naroon kasi ang doctor niya," paliwanag naman ni Troy. Napa-ismid ako sa usapan nila. Mabuti na lamang at hindi nila iyon nakita.

Medyo nagiging emosyonal kasi ako kapag pamilya ang pinag-uusapan. Minsan ay hindi ko makontrol ang emosyon ko.

"Are you alright honey?" baling sa akin ni Troy nang mapansing wala akong imik. Ano ba naman ang sasabihin ko tungkol sa pamilya nila? Baka maisumpa ko pa ang buong angkan nila!

"I-im fine," sagot kong pilit na ngumiti.

"Nice meeting you po," baling ko naman sa dalawang matanda.

ELIZA'S WRATH (Art Of Temptation Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon